Chapter 23

1.8K 297 6
                                    

"Destiny may bring signs into our lives to help us the direction we need to go in.."

~Ethan James Torres

Chloe's POV

Day 1 intrams..

Monday ngayon, so kailangan naming pumasok ng maaga dahil parade ngayon at mamayang hapon gaganapin ang Mr and Ms Intramurals. Ako ang naka assign ngayon na mag dala ng kotse. Binilisan ko na ang pagpa patakbo dahil malalate na kami at kailangan pang maayusan si Couz. Nang makarating kami. Agad kaming nagtungo sa classroom dun kasi maayusan si Justin. Sinalubong kami ng adviser namin.

"Oh God! Dane akala ko hindi ka na makakarating.." Sabi niya at agad nilang inaasikaso si Couz.

"Couz where my sport shoes?" Tanong ni Couz kaya agad akong nataranta. Naiwan sa kotse. Oh my Gosh!

"Naiwan sa kotse kukunin ko lang!" Sigaw ko at lumabas. Kailangan ko yun agad makuha, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makababa ako. Hinihingal na ako pero tumakbo pa rin ako ng may nabangga ako. Naku naman! Ngayon pa? Kung kelan nag mamadali ang tao eh.

"Shit!" Sigaw niya kaya napa angat ako ng tingin. Naka salampak kasi ako sa semento. Ang sakit sa balakang.

"Tristan?!" Sigaw ko. Aba't kung minamalas ka naman oh! Nakita ko siyang basa yung polo niyang puti na natapunan ng coffee kaya napakagat ako sa aking labi.

"Bat mo ba ako binangga?!" Sigaw niya kaya napataas ako ng kilay. Kung hindi lang ako napa upo dito eh nasapak ko na tong animal na to.

"Eh kung tulungan mo muna kaya ako!" Bulyaw ko. Ang sakit pa naman nung paa ko. Tiningnan niya lang ako at tinaasan ng kilay.

"Why would I?" Tanong niya na parang nang aasar. Oh God! Ilayo niyo sa akin to at baka maka sapak ako ng animal.

"Eh gago ka naman pala eh!" Sigaw ko at pinilit kong maka tayo at thanks God nagawa kong tumayo. Alam kong animal abuse tong gagawin ko pero hindi ko mapigilan eh.

"Kaya mo naman pala eh.." Sabi niya at napatingin ako sa kamay niya na parang sinisingil ako. Tinaasan ko siya ng kilay at sinapak sa mukha niya kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Fuck! Bat mo ako sinapak!" Bulyaw niya. Buti nalang walang mga tao dito kundi pinag uusapan na kami.

"Eh napaka gentle dog mo eh!" Sigaw ko. Sakto namang dumating si Nate at lumapit sa amin.

"What happened?" Tanong niya at tiningnan si Tristan.

"Binangga niya ako kaya natapon sa damit ko ang coffee ko.." Sabi niya at tiningnan ako ng masama.

"Duh! Paharang harang ka kasi sa daan ko kita mong nag mamadali ang tao eh!" Sabi ko at hindi ko napigilan at binato siya ng sapatos ko.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan ganun?!" Sigaw niya pabalik. Aba't! Talaga naman oh!

"So sino sisihin mo?! Ako?!" Sigaw ko at bigla akong natumba.
Buti nalang tinulungan agad ako ni Nate at inalalayan.

"Are you okay?" Tanong niya kaya napatango ako pero ang sakit ng paa ko. Oh God! Ang sapatos ni Couz kailangan na niya ngayon.

"Nate yung sapatos ni Justin na gift mo kunin mo sa kotse ko at kailangan niya yun.." Sabi ko at tumango naman siya. Nagulat ako ng ilapit niya ako kay Tristan.

"Bro. Ikaw mo na bahala kay Chloe.." Sabi niya at tumakbo paalis. Shit!

"Kaya mo ba?" Tanong nito sa akin kaya napataas ako ng kilay. Mukha bang kaya ko? Duh! Kung siya kaya itong banggahin ko at tanungin kung kaya ba niya?

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon