Chapter 40

1.4K 266 18
                                    

Dedicated to: mariarollyve marites Jhay_marie JhanndyGurl KameCassie bitchusers Jeylalalats AndiPatchz LadyRollyve BibiChanyeol Lindseyness LeeShinJung StupidbibiGurl..

Dane's POV

"I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Nanahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!"

"Taena naman Torres e! Ang daya mo kasi!" Dinig kong sigaw ni Jan Dane.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay dahil walang pasok. Friday ngayon kaya half day. Sumama kasi yung mga boys dito para makikain. Wala naman akong nagawa kundi hayaan nalang sila. Hindi na din naman iba ang turing namin sa kanila. Dahil magkakaibigan naman na kami simula palang nung ipapakilala ako ni EJ bilang girlfriend niya. Nung nagpapanggap palang kami.

"Tumahimik nga kayo at maglaro nalang diyan kung ano yang nilalaro niyo!" Sigaw ko mula dito sa kusina. Nag aayos kasi kami ng pinag kainan namin kanina.

Naglalaro kasi sila ng I wanna be a tutubi. Alam niyo ba yun? Siguro yung mga 21th century na kabataan e hindi na. Yan yung hahanapin ng isang taya kung nakanino yung bato. Nakabilog ang mga kasali habang nasa likod ang taya. Habang kinakanta ang 'I wanna be a tutubi ' ipapasa ng mga kasali ang maliit na bato. Bawal nilang ipahalata kung nakanino yung bato, kasi hindi maa-atchoy yung taya. Dapat patago yung pagpasa.

"Bilisan niyo diyan para makasali kayo!" Sigaw ni Alex. Natawa naman ako at agad na tinapos ang pamumunas sa lamesa.

"Tapos ka na diyan Couz?" Tanong ni Chloe ng matapos niyang ayusin ang mga upuan.

"Oo.." Sagot ko.

Napatingin ako kay Nick sa lababo. Siya kasi yung maghuhugas ngayon malas lang niya dahil may nakikain kaya maraming huhugasin.

"Nick!" Tawag ko. Lumingon naman agad siya at nagpunas sa apron niya. Tapos na siyang maghugas.

"Tapos ka ng maghugas?" Takang tanong ni Couz ng makalapit si Nick sa amin. Tumango tango naman siya.

Nagtungo naman agad kami sa sala.

"Taena Sera! Kahit kailan talaga ang talas yang singkit mong mata!" Sigaw ni Alex.

"Unggoy ka kase!" Sigaw nito pabalik.

Umupo kami sa sofa at napatingin sa kanilang nag aasaran. Wala si Oppa dito dahil may condo naman siyang tinitirhan. Minsan kasi hindi siya umuuwi dito dahil maraming inaasikaso isabay mo pa ang pagiging coach niya sa basketball.

Nung una nga hindi ako naniwala ng sabihin nila EJ na si Oppa ang bago nilang coach dahil masyado siyang busy. Pero nung siya na yung nagsabi sa akin na siya ang bagong coach nila naniwala na ako knowing Oppa, he doesn't have a filter. Hindi siya marunong magsinungaling sa akin.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon