Chapter 33

1.6K 288 10
                                    

Dedicated to: mariarollyve marites Jhay_marie JhanndyGurl LadyRollyve..

"This Infinity necklace symbolize my Love for you. Always wear it.."

"Don't cry please. I hate seeing you crying. Wag mong wawalain yan kasi papakasalan pa kita. Gusto ko tsaka ka lang iiyak kapag nasa harap na tayo ng Altar.."

~Ethan James Torres

Dane's POV

Nandito ako ngayon sa bahay hinihintay si EJ. Susunduin daw niya kasi ako ngayon dahil may pupuntahan daw kami.

Maya maya nandyan na siya kaya agad akong sumakay ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Si Kuya Dale?" Tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya.
Kinareer na talaga ang pagtawag kay Oppa ng kuya ah.

"Sa bahay bakit?" Takang tanong ko.

Lumabas naman siya at pinag buksan ulit ako ng pinto. Napataas tuloy ang kilay ko wala sa oras.

"Labas!" Sabi nito.

Gosh! Iba din ang saltik ng isang to ah. Pinasakay ako tapos palalabasin?

"Akala ko ba may pupuntahan tayo?!" Sigaw ko. Nakapag bihis pa naman na ako.

"Gusto ko lang kamustahin si brother-in-law ko.." Nakangiti niyang sabi at pumasok na sa bahay.

Napapadyak ako sa sobrang inis. Ni hindi manlang ako hinintay.

Pumasok nalang din ako at pumunta na muna sa kwarto ko para magpalit. Nawalan na ako ng ganang sumama sa taong may saltik na yun. Bwiset!
Nag suot lang ako ng short at sando tsaka bumaba na. Naabutan ko pa si Oppa at EJ sa sala na nagtatawanan. Close na talaga sila? Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nang makainom na ako ay dumiretso na ako sa sala kung saan nagtatawanan nila EJ at Oppa.

"Good morning baby girl.." Bati ni Oppa.

"Good morning Oppa.." Nakangiti kong bati at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ko pinansin si EJ. Bahala siya diyan!

Tinaasan niya ako ng kilay ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napatingin tuloy ako sa kanya ng nakapag tataka.

"How many times I told you that don't wear like that!" Sabi nito at tinuro turo pa ang suot kong short. Napanguso tuloy ako.

Napatingin si EJ sa akin at sinamaan ng tingin. Ano naman kayang problema ng isang to?

"Oppa-.." Hindi ko pa naituloy ang sasabihin ko ng taasan niya ako ng kilay.

"Go upstairs and change your fucking clothes or else!" Pagbabanta niya.

"Or else what?" Nakataas kilay kong tanong.

"You will be grounded.." Sagot niya kaya agad akong umalis dun at nagpalit ng leggings at shirt.

Aba't! Kapag kasi sinabi ni Oppa gagawin niya. Mas Grabe pa nga siya kaysa kay Dad eh. Kaya minsan ayokong andito si Oppa eh! Pasalamat siya na miss ko siya.

Nag stay nalang muna ako dito sa kwarto ko. Ayoko ngang bumaba.

Nag messenger nalang muna ako para hindi ako ma bored. Wala din kasi si Nick at Couz ngayon eh.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobМесто, где живут истории. Откройте их для себя