Chapter 22

1.9K 298 11
                                    


"There are people who really need to be lost for us to learn to be alone.."

~Nathan Sera

Nathan's POV

Nandito kami ngayon sa bar kasama ang mga Unggoy. Nag cecelebrate kami dahil sa pag kasali nila Ethan at Justin sa top eight. Nagpumilit kasi ang mga Unggoy na mag celebrate kasama ang mga girls pero wala pa sila, siguro nandyan na sa daan malapit lang naman dito ang bahay nila. Ayoko sanang sumama pero pinilit nila ako kaya wala na akong nagawa pa. Gusto ko rin kasing makasama ang mga kaibigan ko ngayon.

"Nate wala pa ba yung mga girls?" Takang tanong ni Alex sa akin. Napataas tuloy ako ng kilay. Mukha ba akong tanungan?

"I don't know.." Walang gana kong sagot at ininom ang wines ko.

Tiningnan niya ako ng nakapag tatakang tingin.

"Taena! Wala kang kwentang kausap!" Sigaw niya. Tiningnan niya muna ako bago siya umalis.

Bigla namang dumating si Tristan.

"Nate where's Alex?" Tanong niya. Tinuro ko naman kung saan ito nagpunta.

Iiniom na sana ulit akong biglang sumulpot si Jan Dane sa harapan ko.

Dahil sa pagkagulat ko muntik ko ng mahulog ang hawak hawak kong wine glass. Muntik pa akong mabulunan.

"Nate wala pa ba sila Nicole?" Tanong niya. Napapisil ako sa ilong sa sobrang inis. Taena! Kanina pa sila tanong ng tanong.

"Bakit ba sa akin kayo nag tatanong?!" Bulyaw ko kaya nagulat siya.

"Taena Sera! Nag tatanong lang eh kung makasigaw ka naman diyan!" Sigaw niya pabalik at umalis sa harapan ko.

Napailing iling naman ako at inumpisahang uminom ulit.

Ewan ko ba kung bakit parang wala ako sa mood.

Uminom nalang ako para mailibang ko naman ang sarili ko.

Hindi ko ring namalayan na naka dalawang bote na pala ako ng wine. Hindi pa naman ako tinatamaan dahil sanay naman kaming uminom ng kung anu anong wines dahil sa tatlong Unggoy. May ari ba naman ng bar ang mga kaibigan mo.

Medyo nakaramdam na din ako ng pagkahilo dahil sa ininom ko kanina. Wala pa din yung mga kasama ko. Magpapa hangin muna ako sa labas.

Tatayo na sana ako ng biglang magsi pasukan ang mga Unggoy. Napaupo ulit ako.

"Saan kayo pumunta?" Takang tanong ko sa kanila.

"Nag asikaso lang kami sa baba.." Sagot ni Alex kaya napatango tango ako.

Nagsi upo na sila sa tabi ko at uminom na rin. Nag usap usap lang kami hanggang sa dumating na ang mga girls kaya tumayo agad ako.

"You're here.." Salubong ko sa kanila at niyakap si Justin.

Napatingin sa amin ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin.

"Nate nakainom ka na ba?" Takang tanong ni Justin pero umiling lang ako at niyakap siya ng mahigpit.

Niyakap naman niya ako pabalik at hinagod hagod ang likod ko. Napangiti ako.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Justin sa akin. Hindi ako sumagot at nakayakap lang sa kanya.

"Taena! Lasing na ata yan kanina pa umiinom yan eh.." Sabi ni Jan Dane kaya tiningnan niya ako sa mga mata. Napaiwas ako sa kanya at humiwalay ng yakap.

Umupo nalang ako at uminom ng wine.

Umupo rin naman sila sa tabi ko. Nasa tabi ko si Justin, sa tabi naman niya si Chloe at Nicole.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobOù les histoires vivent. Découvrez maintenant