Chapter 2

8.6K 384 86
                                    


     "See you later ate Jane."

     "See you later ate Nic."

     "See you later ate Robin."

Napangiti ako habang sabay-sabay silang nagpaalam sa akin bago bumaba ng kotse. Isa-isa naman silang humalik sa akin sa pisngi.

     "Remember what I told you earlier, okay?And Lourd, behave inside the classroom."

Magsasalita pa sana ito nang pinandilatan ko siya ng mata. Makuha ka sa tingin, ika nga nila. He's a boy, I literally meant 'boy'. He's quite naughty sometimes, but I know he will not do something that may hurt him or disappoint me.

     "You take care ate." Paalam ni Love.

I just smiled and started the engine. I glanced at my watch.

7:10 a.m.

I only have twenty minutes before the first subject starts. Sapat lang ang bilis sa pagpapatakbo ng kotse ko baka madisgrasya pa ako kung bibilisan ko. I hope I can make it. I think it's only a ten-minute drive to Hancock University.

Narating ko ang parking lot ng HU ng eksaktong 7:20. Dali-dali akong lumabas ng kotse at naglakad ng mabilis. Naghahabol ako ng oras baka malate pa ako sa unang araw ko sa klase and I didn't want that to happen.

Sa pagmamadali ko ay muntik na akong masagasaan ng kotse--- oh scratch the word 'kotse' because it's not just a car, it's a sports car, a Ferrari to be exact. Seriously, sports car in the university. Yayamanin nga naman talaga ng mga students dito.

Balak ko pa sanang pagsabihan 'yung driver ng Ferrari but I have no time for that, malelate ako and I think I'm okay. Hindi naman ako nasaktan, nagulat lang ako nang may rumaragasang kotse papunta sa akin. Thank goodness, my reflexes were fast, so I didn't get the slightest scratch.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa loob ng HU.

Damn! I didn't know na mahirap pala hanapin itong room ko.

Lakad-takbo na ang ginagawa ko para makahabol sa oras but I think I'm not going to make it. Isang minuto nalang ang natitira pero nasa hallway pa rin ako.

     "Room 46. Room 46. Where are you?" I whispered to myself.

Hindi ako tumigil kakahanap hanggang sa makita ko na ang designated room ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba tapos hinihingal pa ako.

Huminga akong malalim bago ako kumatok. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga kamay ko.

I hate this day. Sana pala naisipan kong i-explore itong university. Nahirapan tuloy ako sa kakahanap ng room ko.

     "Come in." Rinig kong sabi mula sa loob. Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang dahan-dahan kong buksan ang pinto. "You're 1 minute late."

Napaigtad ako sa gulat ng marinig ang malayelong tinig na iyon. What should I do? I can't think properly.

     "Are you mute or what? And please, look at me when I'm talking to you."

I could feel the irritation in her voice. She's strict! But I chose to look at her. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya.

Napansin ko ang pagkagulat niya dahil sa akin or namamalikmata lang ako.

Hindi ko akalain na bata pa pala ang prof ko. She's taller than me, idagdag mo pa na naka-heels siya.

    "I'm..." Napapiyok ako. "I'm sorry Ma'am, I was late. Transferee po ako."

Beautiful Mess (√) • Professor♥Student GL Series #1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ