Chapter 1

18.4K 427 54
                                    


I woke up to the sunlight peeking through the curtains.

     "Ma.." I mumbled softly while I kept waking up slowly. Once I was able to open my eyes and blink several times, I glanced around me and frowned.

It has been one and a half years since those nightmares happened to my family. Hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako ng nakaraan.

I pushed myself off the bed. I knelt on the edge of it and prayed like I always do in the morning. Then I get my towel before entering the bathroom and doing my everyday routine.

A few minutes passed, I even got out of the bathroom, when suddenly someone knocked on my bedroom door.

    "Come in."

Narinig ko pa ang pagbukas-sarado ng pinto. And I didn't look at who was coming inside my room because I was fixing my clothes at kilala ko naman kung sino.

    "Gising ka na pala, iha. Alas singko palang, napaaga ka yata."

Dun lang ako napabaling ng tingin sa taong nagsalita and I smiled when I saw that person.

     "Good morning 'Nay. Nakasanayan na rin siguro. Kayo po? Bakit po ang aga niyo nagising?"

She always wakes up at exactly 6 a.m to prepare our food for breakfast, kaya nagtataka ako kung bakit maaga siya ngayon.

     "Aba! Syempre, hindi pupwedeng malate ang mga anak ko sa unang araw ng pasukan, kaya inagahan kong magising. Gusto ko nakaready na lahat sa mesa kapag nakababa na kayo."

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. She's our nanny, si Nanay Ersa. Matagal na siyang nagsisilbi sa amin, at lalo na kila Mama at Papa. Kaya tinuring na namin siyang pangalawang ina nang mawala ang parents namin.

Maswerte pa rin kami dahil nararamdaman pa rin namin ang yakap at alaga ng isang ina. Thanks to Nanay Ersa for not leaving us until now.

    "Thanks 'Nay." Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa gilid ng kama ko. "Thank you for taking care of us. Hindi kami magiging okay kung wala ka." Nakaluhod na ako at yumakap sa kanya.

    "Palagi akong nandito sa inyo. Mahal na mahal ko kayo at nangako ako sa magulang ninyo na hindi ko kayo pababayaan." She tapped my head. "O siya! Tama na itong drama natin. Maghanda ka na dahil mag-aalasais na. Magluluto muna ako."

Sabay kaming tumayo. "Sabay na tayo 'Nay, gigisingin ko na din ang mga kapatid ko." Tumango siya at ngumiti.

Lumabas kami ng kwarto at dumiretso ako sa kwarto ng kapatid ko na anim na taon ang agwat sa akin. While si Nanay, bumaba ng hagdan.

When I entered her room, there were a lot of posters of Miss Yeng Constantino on her wall. Makikita talagang fan na fan siya nito. Everything is all about her idol, buti nalang talaga at makikita pa rin ang pagkahilig niya sa violets and books.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng peaceful ang tulog. She's so beautiful, like our mother. Kamukhang-kamukha niya kasi si Mama. As for me, sa kanila ako nagmana pareho.

Ayaw ko man itong gisingin but she needs to wake up. It's already 6 in the morning at ayaw kong malate sila sa klase.

     "Hey, wake up, Gwy." Nakailang tapik na ako sa kanya but there was no response from her. Tinapik ko itong muli. "Gwyneth, wake up."

She blinked several times and stretched her arms she stared and looked at me.

     "Morning 'te Jane." Ramdam ko na inaantok pa siya. "What time already?" Kusot niya sa mata at bumangon sa higaan.

Beautiful Mess (√) • Professor♥Student GL Series #1Where stories live. Discover now