Chapter 21 "Diamond"

Start from the beginning
                                    

"Ano? Sweetheart oh! Inaaway ako" sabay yumakap siya sa braso ni Lance.

"Eww!" Iyon nalang ang nasabi ko.

Masayang-masaya na ako dahil alam kong gising na si Clench.

(Mitz note: dahil kung 'di ko pa siya gigisingin ay papatayin na ako ng kapatid kong patay na patay kay Clench hahahaha)

Ilang araw na ang lumipas tuloy-tuloy ang pagaling ni Clench. Nang dalawin ko siya sa hospital ay nakangiti siyang nakatitig sa isang nurse sa hospital.

I can smell something fishy?

"Clench? Okay na okay ka na ah?" Tiningnan ko siya ng may ngisi sa labi ko.

"Yes! Magaling mag-alaga si nurse Rozel" baling niya sa nurse.

Mukhang kinilig naman ang nurse sa kaniya. Tama yan mag-move on ka na sa akin.

Pagkatapos kong dalawin si Clench ay dumiretso na ko sa school. Nahagip ko ang isang babaeng parang nangbubully.

"Ang pangit mo! Bakit kasi may nakakapasok pang ganito sa school namin?! Yuck!" Binuhusan niya ng juice ang babaeng nakatalikod sa gawi ko at nakaupo na sa sahig.

Agad akong lumapit.

"What do you think your doing?" Sabi ko sa kaniya napalingon ang lahat ng tao sa canteen.

Nagulat ako nang makita ang babaeng binubully niya, si Arah.

"Don't you dare help her or else madadamay ka!" Sabi niya nang akmang itatayo ko na si Arah.

"You think what your doing is right? Mag-mature ka naman matanda ka na para sa ganitong pangbubully!" Sigaw ko sa babae.

"You don't know me?" Itinuro pa niya ang kaniyang sarili.

"I'm not interested to you" tinayo ko si Arah.

Humarang siya sa harapan ko dahilan para mahinto kami ni Arah. Inalalayan ko siya.

"I'm Diamond" mataray niyang sabi.

"I don't care kahit crystal ka pa or whatsoever!"

Tinalikuran ko siya habang nakaalalay pa din kay Arah.

"You bitch!" Sinugod ako ni Diamond habang nakatalikod, hinila ang buhok ko.

Pinigilan ko na huwag siyang labanan dahil nasisiguro kong isang suntok lang ay tulog ito.

"Diamond!" Nangibabaw ang pamilyar na boses. Nang lingunin ko iyon ay si Mr. Baider pala.

"Mr. Baider?"

"You two go to my office now!" Sigaw niya.

Sumunod kami. Sumama si Arah dahil gusto niyang ipaliwanag ang nangyari.

"Di ko po sinasadyang matapunan ng juice ang apo niyo, Mr Baider. Kaso nagalit po siya at binuhusan din ako ng juice" nakayukong paliwanag ni Arah. "Pinagtanggol lang po ako ni Elle"

"Lolo see? can you please kick out this two girls!" Turo niya sa amin ni Arah.

So, kaya pala malakas ang loob dahil lolo niya si Mr. Baider.

"Nako, apo pasensya na kayo sa apo ko" akala ko ay kay Diamond nakatingin pero sa akin pala. Nahihiya ko siyang nilingon.

"Wala po iyon. Mr. Baider"

"Nice! Wala ka talagang kwentang lolo! Kaya namamatayan ka ng apo e! Sila pa ang kinakampihan mo!" Tumayo si Diamond at patabog na umalis at ibinagsak ang pinto.

Namamatayan ng apo? Pagtataka ko.

Buntong hininga ang ginawa ni Mr. Baider.

"Pasensya na talaga kayo. Masyadong na-spoil ang apo ko kaya ganiyan siya. Nahihirapan akong disiplinahin siya pati ang mga magulang niya" malungkot na ani ni Mr. Baider.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Wala po iyon. Mr. Baider"

Gumaan ang loob niya.

"Sige na pumunta na kayo sa mga klase niyo" sabi niya iyon ng nakangiti.

Tumayo na kami at humingi muli ng pasensya. Tumalikod na kami ni Arah.

"Elleina, apo." Napalingon ulit ako sa kaniya. "Salamat sa pagunawa mo" may kinuha siya sa gilid ng table niya. "Kumain ka ng maayos" inabot niya sa akin ang isang tupperware.

Kinuha ko iyon ng may ngiti sa labi.

"Salamat po"

Spaghetti iyon. Paborito ko, ewan ko kung paano niya nalaman iyon.

Nakangiti akong naglakad papunta ng room.

"Elle, lolo mo ba si Mr. Baider?" Nagtatakang tanong ni Arah.

"Hindi hahaha. Mabait lang talaga siya" pagtanggi ko agad.

"Ah, akala ko kasi hihi. By the way salamat!"

Tumango nalang ako.

Ewan ko ba kung bakit pinipili kong huwag patulan si Diamond kahit kayang-kaya ko naman siyang suntukin o gantihan. May kung ano sa akin na nagsasabing hindi ko dapat siya patulan at saktan kahit ano pang gawin niya marahil ay dahil apo siya ni Mr. Baider.

Diamond Baider? Isang pamilyar na pangalan nanaman.

Diamond! Diamond! Diamond!

Saan ko na nga ba narinig 'yon?

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now