" Nassandra, I'm really sorry but I have to go. Nagkaroon ng emergency eh" tumango ako sa kanya, naiintindihan kung bakit kailangan niyang umalis.

" Sige lang Zeke. Thank you sa pagsama sa amin" tumango siya tsaka naglabas ng limang libong papel. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

" Kung may kailangan pa kayong bilhin, here's the money" iniabot niya sa akin yung pera at tinitigan ko lang ito.

" T-teka---"

" Don't worry, kung may nagamit kayong pera, sasabihin ko nalang kay Kei na bawasan yung sweldo mo. Okay?" Wala akong nagawa at tumango nalang tsaka kinuha yung pera. Extra money din 'to. Baka mamaya maubusan ako ng pera eh.

Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka nagsimulang naglakad paalis.

" I'll text Kei! Say goodbye to Bryle for me." Ang huli niyang sabi bago tuluyang makalayo.

Bumuntong hininga ako. Ano kaya ang nangyari? Sa boses nung tumawag sa kanya, parang importanteng importante eh.

Napasandal nalang ulit ako sa railings at pinanood nalang si Brylle napatuloy na naglalaro.

" Nass?" Lumingon ako sa gilid ko nang makita si Katie na nakasuot ng kulay orange na salamin at nakadress habang nasa likod niya si Theo na mukhang bagot na bagot habang hawak hawak ang napakadaming paper bags galing sa mga shops.

Napaayos ako ng tayo at umalis sa pagkakasandal sa railings.

" Katie, Theo. Nagshopping kayo?" Sa tanong kong iyon ay kaagad na ngumiti yung dating naguhuluhan itsura ni Katie tsaka lumingkis sa braso ko.

" Ohh, yes. Magkakaroon kami ng photoshoot kaya kailangan ng bagong mga damit" ngumiti ako sa kanya at tumango. Tumingin ako kay Theo na nakatungo lang.

" U-uhmm. Kailangan mo ba ng tulong dyaan?" Pagaalok ko sa kanya na halatang nagulat sa sinabi ko. Napataas ang tingin niya sa akin.

" Ahhh Ehhh" tumitingin siya sa paligid at parang hinahanap yung tamang salitang pwedeng isagot.

" Don't mind him Nassandra, he's shy but he's strong. Kaya na niya iyan" sabi ni Katie na parang walang pake sa kakambal niya. Napatingin naman nang masama si Theo sa kanya at nagulat ako sa sinabi nito.

" Eh, napakadami mo ba namang binili eh!" Inis na sabi nito. Bumukas yung bibig ko at nahalata iyon ni Theo na tumahimik ulit. Nahihiya siya sa ibang tao pwera lang sa kapatid niya.

" Hahahahaha" parehas kaming napatingin kay Katie na tumatawa lang at tinignan siya na parang nababaliw siya.

" Wow, mas effective yung tingin ni Nassandra. Medyo naoffend ako ah" seryosong sabi nito, lumaki yung mata ko.

" H-huh? E-ehh. Soryy. Hindi ko sinasadya. Ganoon lang talaga ako" ngumiti siya and she patted my shoulders.

" Biro lang. Anyway, anong ginagawa mo dito? Shopping din?" Napaisip naman ako ng pwede kong sabihin. Imemention ko ba na kasama ko si Brylle na nandoon ngayon sa laruan?

" Ahh... kasama ko si Zeke kanina, nagkaroon ng emrgency kaya kailangan niyang umalis" tumaas ang kilay ni Katie at nakita ko ding napatingin sa akin si Theo. Alam ko na iniisip nila ah.

" Are you his girlfriend?" Seryosong sabi nito. Nagalala naman ako kasi baka may kung ano akong natrigger sa sinabi ko. Umiling nalang ako sa kanya.

" Nope, just my driver" biglang natawa ulit si Katie.

" Wow, you called that prideful man, your driver" nagpatuloy lang ito sa pagtawa at nagkatinginan nalang kami ni Theo out of nowhere na bahagya ding natawa nang makita ako.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon