Chapter 21

1.2K 44 4
                                    

--

"Architect, pinapatawag po kayo sa site."





Mabilis kong inangat ang tingin sa sekretarya kong kabadong hinihintay ang sagot ko.





"What? Why? Doon na ako galing ah?"





"E kasi po Architect may changes daw po sa mga materials na gagamitin."





"Jusmiyo Marimar.." napasintido na lang ako sa inis.



"Bakit ba papalitan pa? Ayon na ang napagkasunduan sa meeting kanina ni Engineer Guevarra, ah?"





Nakakastress ang ganitong set up. Pabago-bago ng desisyon ang mga nasa board. Okay at mas maganda naman ang mga materials na gagamitin ko at sinangayunan iyon ni Engineer!




"H-hindi na po kasi si Engineer Guevarra ang maghahandle ng project, Architect."




"Anong hindi? Wala naman siyang sinabi na ipapamigay na niya ang proyektong 'to. At sino ang mag hahandle ng project na dapat sa kanya? Si Engineer Abellar?" Inis kong tanong.



"Hindi po, Architect.." anak ng!




"Hindi? Si Engineer Abellar at siya lang ang nakikita kong kayang panindigan ang ganong project!" Minamasahe ko na ngayon ang gilid ng noo ko sa inis. Why is that?



"Si Engineer Pasia po ang papalit sa kanya, Architect."





Nahulog ko ang baso sa narinig galing sa kanya. Nanginginig ang kamay kong pinipilit pulotin ang mga bubog sa sahig. Biglang kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Paano? Hindi pwede! Damn. Ayoko siyang makasama sa isang project.




"Architect, huwag na po. Tatawag na lang ho ako ng maglilinis diyan, baka masugatan ka po." Nag-alala niyang sinabi.




"Matagal na akong sugatan." Walang prenong sinabi ko.




"P-po?"




"Engineer Pasia? Engineer Bryce Lancelot Pasia?"




"Sinaktan niya po kayo, Architect?" Gulat niyang tanong. Oo, matagal na panahon na..





"Hindi, sinisigurado ko lang kung siya ba ang mag hahandle ng project." Ngising sagot ko.





"Ah, e.. oo po e. Bakit po?"




Ang kapal! Apat na taon na ang lumipas simula ng pangyayaring iyon sa resort. Hindi nga sila nagpakita pang dalawa ni Kam sa akin. Bakit pa? Nagtagumpay na silang saktan ako noon. Ngayon babalik at magpapakita siya sa akin? Where did he find the guts to face me after those horrible moments he was cause?! I've move on pero nanatili sa puso ko ang galit sa kanya at kay Kam.




"Pakisabi bukas na lang ako pupunta sa site. Magpapameeting din ako bukas ng umaga. I know nagpatawag na ako ng meeting kanina pero magpapameeting uli ako."

"Noted po, Architect." Ngumiti ako kay Sharia bago siya lumabas ng opisina ko.


After I graduated at Amstar University, ako na ang namamahala ng kompanyang iniwan ng mga magulang ko sa akin. Hindi naging madali para sa akin ang pagmamanage ng kompanya lalo na at nasa alanganin ito noong sinalin sa akin. I did my best to pull it up and to remain to the top.




Lola supported me and trained me how to become a great leader. Ang daming nangyari sa apat na taong nakalipas. May mga bagay na hindi inaasahang mangyari sa aming lahat at may mga taong dumating na hindi namin inakala.




One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin