Chapter 17

1.1K 40 6
                                    

"Cha, kumain ka na muna. Wala ka pang kain simula kagabi."

Pumasok si Shan sa guess room ng bahay nila, dala ang tray ng pagkain. Dito niya ako dinala kagabi, ayokong umuwi sa amin o kung saan mang lugar na makikita ko sila.

Nang makauwi kami rito kagabi ay umiyak lang ako nang umiyak. Durog na durog na ako sa lahat ng ito. Wala ba akong karapatang malaman ang katotohanan? Bakit? Bakit pinipili nilang ilihim ang katotohanan sa akin?!

Sino ba talaga ako? Tulala lang ako simula kagabi at halos hindi na nakatulog dahil sa mga katanungan ko sa sarili, sa pamilya at sa lahat ng mga nasa paligid ko. Kahit paulit-ulit kong tanungin ang sarili ko ay wala akong makuhang sagot. Bakit tila wala silang balak sabihin sa akin ang katotohanan sa likod ng kasinungalingang ito?

Gusto kong malaman ang lahat pero hindi pa ako handa. Hindi ako handa sa mga kasagutan sa mga tanong ko. Natatakot ako, I don't know where I am afraid of, scared to know the truth? Scared to be left alone? Scared not to be accepted by my legitimate family? But they said, my whole family was dead! Pagkatapos ng lahat ng ito, saan ako pupulutin?

Paano ako magsisimula muli ngayong ako'y mag isa na lang?

Paano ko matatanggap ang lahat ng ito?

Paano ako kung wala na akong matatakbuhan?

Inangat ko ang tingin kay Shan na nakabihis na, papasok siguro siya dahil may pasok pa kami. Nanatili siyang nakatayo sa pinto hawak ang tray ng pagkain at nakatingin sa akin ng may awa sa mukha.

"Lapag mo na lang diyan, Shan." Walang emosyon sinabi ko. At tinuro ang side table.

Nilapag niya iyon doon at lumapit sa akin. Nakatulala at walang emosyong mababasa sa mukha ko ngayon. Galit ako sa lahat. Sa pamilya ko, sa mga Pasia, kay Bryce at sa sarili ko.

"Nandito lang ako. Nandito lang kami." Shan smiled at me pero hindi ko sinuklian iyon.

"Okay lang ako. Pumasok ka na."

"Nasa labas lang ang kasambahay kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya-"

"Iwan mo na ako, Shan. Kaya ko ang sarili ko!" Iritado kong sinabi.

Tumango lang siya at tumalikod na sa akin para mag martsa paalis. Gulong-gulo na talaga ako, hindi ko alam kung pati ba sila ay may alam sa pagkatao ko simula pa lang. They never treated me like I'm a kind of a rat, kahit noon pa man. Kaya ba mabait sila dahil alam nila kung sino ako? Ayaw ko silang husgahan pero ito iyong naiisip ko, e.

Niyakap ko ang unan sa tabi ko at doon ko sinubsob ang mukha para umiyak. Wala akong magagawa sa ngayon, kundi hagkan ang sakit ng katotohanan. Why the truth should be hurt like this? It pains me to death! Gusto kong magwala sa sakit, galit at iritasyon!

I pity myself for embracing the lies. My family, my family who I thought they are mine, lied to me. They raised me with tender care and love but... With lies. How could they hide the truth from me? Hindi ba nila ako mahal? Hindi ko ba deserve malaman ang katotohanan? Minahal ko naman sila, ah.

I sacrificed everything I have because I love them so much. Sila itong buhay ko, e. Sila ang lakas ko! Sila ang lakas ko na dudurog din pala sa akin! Saan ako ngayon kukuha ng lakas kung sila rin ang dahilan ng pagkadurog ko? Pagod na akong umiyak. Pagod na ako sa kasinungalingan.

Buong araw akong umiyak at walang pakialam sa paligid ko. Gusto ko lang matapos ang lahat ng ito. Ano pa ba ang kasinungalingang maririnig ko?

Napatingin ako sa kasambahay nila Shan nang pumasok siya na may dalang haponan. Nilapag niya iyon sa side table, katabi ang mga tray ng pagkain na dinala niya rin kanina pa. Hindi ko ginalaw ang mga iyon. Wala akong gana kumain.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now