Chapter 19

1K 39 0
                                    

"Happy birthday, Mia!" Lumapit ako sa kanya at humalik nang makarating kami sa resort na pagdadausan ng kanyang kaarawan.

Lahat kami nandito, okay na rin kami dahil nag-usap na kami ng mga Pasia. Isang beach resort ang pinagdadausan nang sa ganoon daw ay nakapag enjoy ang lahat. Maraming activity ang pwedeng gagawin dito. Kasama ang pamilya ko, ang mga maaarte at ang mga boyfriend nila. Even Lola is here.


Isang taon na ang nakaraan pagkatapos ang lahat ng iyon. Hindi naging madali sa akin ang mga bagay na iyon pero dapat, para lahat uusad sa nakaraan.Patay na rin si Carlo Celebre, the person behind the cruel death of my parents and Bryce'Mom.


Isang taon na lang ga-graduate na kami. Unti-unti na naming naabot ang aming mga pangarap sa buhay. Pagka-graduate ko ako na ang mamahala sa kompanyang naiwan sa akin ng mga magulang ko. Okay na lahat at dumaan na kami sa proseso bago palitan ang pangalan ko. I am now Charelle Celebre, the owner of the Celebre Corporation. But I am still the Charelle Borromeo, who is always prim and innocent. Well, not that innocent anymore..

"Mia, blow your candle na!" Si Jeralyn na nasa harap ng lamesa at kumukuha ng litrato. Hinipa naman ni Mia ang kandila sa ibabaw ng cake niya at nag pose para sa picture. Parang kailan lang maliit pa siya, ah. Dalaga na talaga ang alaga ko.

Nag-take pa sila ng family picture at ako ang kumuha. Mapait akong ngumiti nang ma realized na hindi sila kumpleto.

"Uy, nalulungkot si Charelle dahil wala si Engineer." May tono pa sa sinabi ni Shan, loka talaga 'to!

"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo." Suway ko sa kanya pero tinawanan lang nila ako.

"Namimiss mo na ba ang nobyo mo, apo?" Ngumuso ako sa tanong ni Lola. Bakit ba pati siya ay kinukulit ako?

"Hindi." Simple kong sagot, tapos lumapit na sa lamesa para kumuha ng pagkain. Nakakagutom ang mga tanong nila.

Nasa Dubai si Bryce kaya missing siya ngayon sa kaarawan ng kapatid niya. Tinanggap niya ang isang proyekto roon. Wala na akong balita sa kanya mula noong huli kaming magkita. Dahil sa ayaw kong makarinig ng mga kung anong balita ay hindi na rin nag abala silang sabihan ako.

Walang text at tawag. Ano pa nga bang aasahan ko? Ipinagtabuyan ko 'yong tao. Sa tingin ko babalik pa iyon? Wala na, hindi na. Kung babalik pa yon ay sana noong una pa lang. Pero hindi.


Bumaba na ako nang naka roba lang dahil mag s-swimming kami nila Shan. Naka black lacy two piece ako. Nag roba ako paalis sa hotel room namin ni Lola dahil ayokong marinig ang lecture niya. Sasabihin na namang lumuluwa ang aking kaluluwa sa suot. Anak ng!

"Saan na sila, Lal?" I asked her while untying my robe. Bahagya kong inayos ang mahabang buhok at pinahinga iyon sa aking likuran.

"Ayon tingnan mo, naghahabulan na parang mga bata sa tubig." Aniya na tinuturo ang mga kababaihan na naghahabulan sa tubig. Sabay kaming natawa nang madakip nila si Etyl at pinaghihila sa magkabilang kamay. Parang wala silang naririnig nag iimpit na sa kakasigaw ang kaibigan nila sa sakit ng paghila pero sila tawa lang nang tawa.



May mga tao talagang walang pakialam kung masasaktan ka basta ikakasaya nila.





Naglakad kami ni Dhalal patungo sa kanila pero hindi ako tuluyang lumapit sa kanila. Umupo ako sa buhangin at mataman silang pinagkakatitigan na halos mamamatay na sa kakatawa. Si Joanna naman ngayon ang binuhan ni Peter at binagsak sa tubig sabay tawa. Amputa, parang hindi niya girlfriend kung ihulog niya, ah. Natatawa pa rin ako hanggang sa umahon na si Joanna sa tubig. Galit na galit niyang tinignan si Peter at hinabol.



One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now