Chapter 11

1.1K 44 3
                                    

It's Saturday, everyone is busy passing by, carrying Bryce' stuff. He's leaving now. Lahat ng importanteng gamit niya ang pinalagay na niya sa kotse niya. Including his laugages.

According to him matagal na raw ang condo niya. Niregalo raw 'yon ng Daddy niya noong twenty-first birthday niya. He's now turning twenty-three. He refused living there since he can't leave his sisters here.

But now... He's really leaving. Okay lang naman sa kanya so he can start being independent daw. Not that he is dependent to his family but he needs to stand by his own... Walang maid, walang cook, wala lahat. Just himself alone.

"Alis na ako." He snaked his arms around my waist.

"Bryce!" Suway ko sa kanya at tinulak siya ng kaunti dahil narito pa kami sa living area nila. Nandito rin ang parents niya, sumulyap ako sa banda ng mommy niya my heart pounded fastly when we got caught by his parents, ngumiti lang ang Mommy at daddy niya.

"What?" He just rolled his eyes like it wasn't a big deal. "Aalis na'ko masungit ka pa rin." Anak ng pating!

"They're watching us. Tumigil ka!" Mahinang suway ko sa kanya.

"Mom, Dad. Divert your eyes please, nahihiya si Charelle." Walang prenong sabi niya. Agad namang umalis ang parents niya. Walang hiya talaga 'to oh!

"What now? They're not around."

"Anong what now?!"

"Where's my goodbye kiss?" Hala pota nag pout.

"Huy umayos ka wala kang girlfriend para humalik sa'yo. Umalis kana para maaga pa." I pushed him a bit.

"Napaka-sweet mo talaga 'no?" Sarcastic niyang tugon.

"Umalis kana kasi. 'Yong aso mo naghihintay na sayo oh." Turo ko sa aso niyang nilalaro ang bola ni Mia.

He hugged me and kissed my forehead for a moment then he bid his goodbye. I just hugged him back... Mamimiss ko siya rito sa bahay. Wala nang aaway sa amin ni Mia.

Closing na kaya palagi nalang kami narito sa bahay walang magawa. Pinagtutuonan ko nalang ng pansin ay si Mia. Bawat araw na lumilipas ay siya lang ang lagi kong Kasama rito.

Wala rin si Jeralyn. Minsan lang kaming magkita rito sa bahay dahil palaging umaalis. Legal na rin silang dalawa ni Aris. Well, wala namang masasabi ang Mama at Papa niya dahil maayos naman ang estado nang pamumuhay nila.

Nakakalungkot lang isipin na hindi ko makakasama 'yong mga maarte sa bakasyon dahil uuwi ako sa amin pagkatapos nang graduation ni Bryce. Palagi naman silang nag v-video call pero hindi ko naabutan kasi may inaasikaso ako.

One time, nakasabay ako sa kanila nang puntahan ako ni Jeralyn at sabihang mag video call daw kaya naka sali ako. Na miss ko rin sila, isang Linggo ko na silang hindi nakikita.

"Hello fuckers! Welcome to my vlog! Panibagong araw, panibagong lalaki na naman! Charot!" Bungad ni Etyl sabay tawa.

"Feeling vlogger?" Tanong ko.

"Oo, tsaka practice palang dahil kapag ako nag vlog araw-araw ibang lalaki ang aking guess. HAHAHA tapos sa una siyempre kapag kayo na ni Bryce gagawin ko kayong guess. Oh 'di ba?" Parang tanga.

"Gagawin mo sa mga lalaki sis?" Singit ni Gracelle

"Aba uy! Siyempre tatanungin ko kung bakit ang hilig nilang manakit." Tumatawa siya pero nahihimigan ko 'yong pait sa boses niya.

"Lemme guess, wala na kayo ni JB 'no?" Hula ni Jeralyn sabay tawa.

"Gago siyempre ano aasahan ko d'on? Pogi, Varsity, Matalino, pero gago siya para iwan ako at balikan ang tanginang ex niya." Naiiyak na siya kaya natahimik kami. "Pagkatapos kong ibigay sa kanya lahat wala eh. Wala pa rin akong lugar sa puso niya. Hahaha okay lang ako. Hindi naman masakit e. Expected na 'yon."

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now