Prologue

4.7K 105 7
                                    


"Palabasin niyo na ang ama niyo para wala ng madamay at masaktan pa!" ani ng isang Mamang Pulis na kanina pa kumakatok dito sa pinto namin.

Halos na masira na ang aming plywood na pinto sa pagkakatok niya, kaya napagpasyahan naming buksan dahil kung hindi ay baka mamaya matutulog kaming walang pinto ang bahay.

Nagkatinginan kami ni nanay sa pagtataka, wala si Tatay rito, dalawang araw na siyang hindi umuuwi dito sa bahay at ni paramdam ay wala kaming natanggap na text o tawag man lang.

"Eh bakit po Mamang Pulis? Ano ba ang nagawa ng tatay sa inyo? Atsaka wala po siya rito. Dalawang araw na siyang 'di nagpapakita."

Agad namang nagka tinginan ang dalawang Pulis na para bang hindi naniniwala sa akin.

"Kung ayaw niyo pong maniwala, halughogin niyo ho ang loob ng bahay namin. Basta ba'y wala kayong sisirain!" husisyon ko sa kanila dahil hanggang sa ngayon ang mukha nila ay nagdududa parin sa amin ni Nanay.

"Ano ho bang nagawa ng asawa ko Sir? Bakit niyo siya hinahanap?" Si Nanay na nababakas ang pag-alala sa kanyang mukha.

"Ang iyong asawa ay may ginawang krimen sa kalapit barangay-"

"Anong krimen ho? Eh hindi naman gano'n ang Tatay namin, ah? B-baka nagkakamali po kayo... sigurado po ba talaga kayo na ang Tatay namin 'yon?" Paninigurado ko sa pambibintang nila kay Tatay.

Mahirap lang kami, nakatira kami sa isang liblib na parti ng iskwater. Ako ang panganay sa aming limang magkakapatid. Disi-otso anyos ako at sunod sa'kin ay katorse anyos na si Pipa, sinundan naman ng dose anyos na si Nene, sumunod sa kanya si Nilo na nasa nuwebe at si Ysa na tatlong taon pa lamang.

Walang trabaho si Nanay, dati isa siyang labandera pero tumigil na sa paglalaba dahil sa katandaan na rin. Samantalang si Tatay naman ay isang construction worker. Kahit gaano ito ka 'babang trabaho ay hindi ko ni "lang" ito, sapagkat ito ay matinong trabaho at humahanga ako sa mga magulang namin na kahit gaano ka hirap ang buhay namin ay hindi kami pinabayaan at patuloy kaming binubuhay.

"Nagnakaw ang iyong Tatay, Iha, at ang ninakawan niyang bahay ay may ebidensiya. Nakuhanan siya sa CCTV nito."

Biglang nanghina si Nanay sa narinig kaya naman hinawakan ko siya sa likod para gabayang hindi matumba.

"Ah, Mamang Pulis wala po kasi rito si Tatay pero babalitaan po namin kayo at gano'n din po kayo, sana pag nahuli niyo siya ay pagsabihan agad kami."

Minabuti na nilang umalis at agad sinarado ang pinto dahil ang mga chismosang kapit-bahay ay nagsisisalitaan na naman! Pinaupo ko si Nanay at binigyan ng maiinom para kahit papaano ay guminhawa siya at maka pag pahinga.

"Pipa!" sigaw kong tawag kay Pipa dahil hindi ko na naman siya makita, siguro ay nasa loob naman ng banyo at tutok na naman sa kakaselpon! Oo, ginawang tambayan ang aming banyo para hindi mautusan.

"Po, Ate Mayang? May kailangan po kayo, Ate? Tumatae pa ako ate eh!" Tumatae daw siya, at ngayon ito at kinakausap ako.

"Anak ng tipaklong! 'wag ngayon, Pipa dahil may malaki tayong problema, ipapakain ko talaga 'yang selpon mo sa'yo. Tawagin mo si Nene at Nilo bantayan niyo muna si Ysa, pupunta lang ako ng tindahan. Mangungutang muna ako kay aling Memya ng gamot ni Nanay."

"Busy po-" inuubos talaga nito pasensya ko!

"Akin na ang selpon mo." Malamig ngunit mautoridad kong batid kaya wala siyang nagawa kundi ilagay ang selpon niya sa naka lahad kong palad.

Lumuhod ako para pag pantayin ang mukha namin ni Ysa. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat ng ito. Lahat ng paghihirap ng aming pamilya, lahat gagawin ko para sa amin, para sa mga kapatid ko...

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now