Chapter 13

1K 41 2
                                    

"Love, I'll be busy." Napatigil ako sa pagsubo nang magsalita siya sa tabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Mag-r-review ako. Malapit na ang board exam, e."

Narito siya ngayon sa bahay. Nagpasundo kasi ako dahil babalik na ako sa mansion nila. Next week balik klase na naman kaya kailangan ko nang bumalik doon. Nakakahiya pa naman dahil sinasahoran pa rin ako ng parents niya kahit bakasyon na.

"Okay lang, Magiging busy rin naman ako total may pasok na." Sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.

Ngumiwi lang siya at tumango. Hindi siya kumain, ayaw niya sa ulam ko. Sosyal talaga at maarte pa! Ayaw sa ginataang gabe, e pareho naman silang makati.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na ako kila Nanay na aalis na ako. May kunting habilin siya bago ako pinalayas roon. A typical Nanay.

Dumaan muna kami sa Robinson's Mall para bumili ng mga gamit ko sa pasukan. Kunti lang binili ko pero halos bilhin niya lahat ng nasa National Book store!

"Hindi ka bibili ng bag? May branded doon, maganda" tinuro niya ang isang Store ng mga bag.

"Huwag na ang mahal diyan, wala na akong pera. Tsaka 'yong niregalo mo nalang na bag 'yong gagamitin ko."

Niregalohan niya kasi ako ng bag noong birthday ko. Hindi ko pa nagagamit 'yon kaya baka ayon na lang muna ang gagamitin ko. May mga niregalo rin na bag at mga damit 'yung mga maaarte pero mas gusto kong gamitin 'yong bigay ni Bryce.

Umuwi na kami pagkatapos mamili. Hindi naman siya bumili ng mga gusto niya, e. Kaya mabilis lang kami roon. Nag take out lang din kami sa resto ng pagkain na gusto ni Mia. Ang taba-taba na ng batang 'yon!

"Ate Cha!" Tumatakbong lumapit si Mia sa'kin nang makarating kami sa living area nila. "Na miss kita, Ate."

"I missed you too, Baby!" Pinanggigilan ko 'yong mataba niyang pisngi.

"I wanted to go with Kuya para sunduin ka but he didn't let me, Ate." Sumbong niya nang naka pout ang mga labi.

Sumulyap ako sa banda ni Bryce, he only shooked his head.

"Malayo kasi 'yong sa amin, Mia. Dalawang oras mahigit ang biyahe. Mapapagod ka lang."

"Si Kuya naman mag d-drive, Ate." Aniya pa

Tumawa kami dahil sa sinabi niya. Tama nga naman, uupo lang siya. Matalino talaga.

"Next time, Mia." Sagot ko sa kanya.

Dumaan ang mga araw ng normal lang naman ang mga pangyayari. Back to normal na dahil magsisimula na ang klase ngayong taon. Kinabahan ako sobra.

First day, I wear crop top and fitted night waist jeans. Pinaresan ko rin ng wedge cream heels.

Dumating kami sa campus nang matiwasay. Walang traffic dahil maaga pa. Kumuha na ng bagong driver sila Sir dahil nga hindi na kami maiihatid ni Bryce. Maliban sa hindi na siya doon nakatira ay busy rin siya dahil nagsisimula na siyang mag-review para sa board.

"Je, Cr lang ako. Mauna ka na."

"Samahan na kita?"

"Huwag na mabilis lang naman ako, naiihi na kasi talaga ako, e."

"O, sige."

Mabilis akong tumungo sa Cr dahil naiihi na talaga ako. Medyo masakit din ang puson ko. Dinatnan kasi ako ngayon kaya ganoon.

"Ouch!" Rinig kong impit na sigaw ng babae nang buksan ko ang pinto, matatapos umihi.

"Hala sorry. Sorry talaga, Miss." Hingi ko ng tawad. Nauntog kasi siya nang buksan ko ang pinto kanina.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]On viuen les histories. Descobreix ara