Chapter 9

1.1K 46 4
                                    


"Cha!" Napatingin ako kay Jeralyn ng sumampa siya sa kama ko. Ano ba ginagawa niya rito?

"Oh?" Iritado ko siyang tiningnan. Kita nang gumagawa ako ng plate mang-iistorbo na naman siya.

"Alam mo ba-"

"Hindi" pambabara ko.

Agad niya akong binato ng unan sa inis. Natawa lang ako sa hitsura niya. Ano bang chika ang hatid niya ngayon? Chika boom boom? Lol.

"Tanga, sasali si Dhalal ng pageant!"

Ayon na ang chismis niya? Nasabi na nila kanina sa group chat ah, 'di maka get over? Sana all 'di maka move on!

"Share mo lang, Je?" Umirap lang siya sa hangin at umayos ng upo sa kama ko. Nilalaro niya ang teddy bear na naiwan ni Mia rito nang maglaro kami.

"You know what-"

"Hindi rin-"

"Potragis! Shut up!" Inis na inis na siya natawa lang ako. "'Di ko alam paano ka nagustuhan ni Kuya. Wala kang kwenta kausapin."

"Wala rin naman siyang kwenta kausap e." Tumango-tango pa ako.

"Basta nuod tayo pageant ni Dhalal ha? Excited na ako!" Never ko pang na kitang rumampa si Dhalal kaya manunuod talaga ako.

"Kailan?" Tanong ko.

"After finals week."

Malapit na pala. Mag c'closing na may pa pageant pa ang Amstar, napaka arte naman. Tinapos ko na ang pag gawa ng plate at nag review lang uli nang pumasok si Mia at tawagin ako dahil kakain daw.

"Ate, Malaki ba ang school niyo?" Tanong ni Mia habang naglalakad kami pa dining.

"Oo, doon ka rin mag-aaral dahil ang galing ng mga teacher mag turo roon."

Magaling naman talaga ang Amstar. Kahit private 'yon ay marami paring nag e'enroll dahil sa teaching techniques and facilities ng school.

"Good evening, po!" Bati ko sa kanilang lahat nang umupo na 'ko. Tinulungan ko ring umupo si Mia dahil nahihirapan pa siya.

Nasa tabi uli ako ni Jeralyn, nasa harap ko si Mia, nasa gilid naman ni Mia na kaharap ni Jeralyn ay doon umuupo si Bryce. Magkaharap si Sir Marino at Ma'am Raia.

"Iha, malapit na ang closing niyo. Summer na rin. Anong plano mo?" Sir Marino nonchalantly asked me while eating.

"Po?... Uh, hindi ko pa po alam e." Wala naman akong plano sa ngayon. Mag-iisang taon na pala ako rito. Ang bilis lang ah.

"You can be with your family, if you want. Aalis kami mag o-outing kung gusto mo, sumama ka rin samin."

Baka nga siguro uuwi ako nito sa amin ngayong bakasyon. Ang dami ko pang gagawin e. Aayusin ko pa ang kaso ni Tatay. May ipon na naman ako para roon.

"Uuwi po siguro ako sa amin, Sir. Aayusin ko pa ang kaso ni Tatay." Tumingin ako sa banda ni Bryce nang tumigil siya sa pagkain at tumingin sa'kin.

"Gano'n ba? Okay, kung may kailangan ka mag sabi ka lang." Nakisali na rin si Ma'am Raia.

"Okay lang po." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Pero... Sama ka sa graduation ni Bryce 'di ba?" Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Bryce ngayon. Mahinang tumikhim si Jeralyn dahil natatawa siya. Tae talaga 'to. Pag kami na halata patay to sakin.

"Of course, She will be there." Seryosong sagot ni Bryce 'di parin inaalis ang tingin sa'kin. Jusmiyo ako ang kinakabahan e.

Mahina ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa. Mahahalata talaga kami sa ginagawa niya! Wala akong planong ipaalam 'yon dahil baka masesanti ako sa trabaho rito, kailangan kong mag ipon uy!

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now