Chapter 5

1.3K 55 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm sa selpon ko. Kinusot-kusot ko pa muna ang nga mga ko bago napagpasyahang tumayo na.


Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas otso na pala. Nataranta ako bigla kaya napatakbo ako papunta sa kuwarto ni Mia. Yawa, baka may assignments ang batang 'yon tapos nakaligtaan niya dahil ang yaya niya ay humihilik na kakatulog!



Agad kong binuksan ang pinto ng silid niya at napasapo nalang ako sa noo nang makitang tulog na siya. Yakap-yakap niya ang lalaking teddy bear at nakatagilid na natutulog.


"You are not eating your dinner yet."

Anak ng isda! Napatalon ako sa gulat nang mag salita si Angry Bird sa study table ni Mia. Nasa likuran ng pinto 'yon kaya hindi ko siya nakita kase hindi pa ako pumasok nang tuluyan.

"Si Mia... Uhm gagawin ko muna assignments niya kung meron." Tumungo na 'ko sa bag ni Mia para e check 'yon.

"I already finished it." 'Yon lang ang sabi niya tapos lumabas na dala ang mga gamit niya.

Baka dito siya uli gumawa ng project niya. Siraulo ba siya? May kuwarto siya o kaya may study room sila tapos dito siya gagawa ng project niya na ang gulo dito at ang ingay ni Mia.

Bumalik nalang ako sa kuwarto ko at sinimulan nang gumawa ng plate. Grabe anong e s-sketch ko dito? E wala akong kaalam-alam sa ganito? Jusmiyo marimar bakit ba sumabak ako sa ganitong course? Ni pag drawing nga ng bata stick figure pa 'ko e.

Gusto kong umiyak sa inis. Ilang bandpaper na yung sinayang ko! Ayoko nito yawa 'bat pinasok ko 'to. Pwede bang mag shift ng course? Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa inis.

Mga ilang oras pa ako natapos kaka drawing d'on sa lintik na design. Maraming beses akong nagpunit ng bandpaper bago maging perpekto ang gawa ko. Well, I drew a building. Na satisfied na naman ako sa ginawa ko pero hindi ko alam kung mataas ba ang makukuha kong grado rito. Kahit papaano naman ay umaasa pa rin ako.



Napatingin ako sa orasan at nakitang alas Dos na ng umaga. Kung hindi ko namalayan ang oras hindi pa ako makakaramdam ng pagod at antok.

Sa mga sumunod na araw, walang masyadong ganap. Puro pasahan ng mga project. Ganito ba talaga pag college kana? Ang hectic ng schedule. Nagtataka pa 'ko paano nagagawa ng iba na lumandi e ang dami-daming gagawin?

Oo, pala. Hindi sila Yaya!


"Oh, water. Seems you're tired huh?" Binigay ni Patrick ang bottled water sa'kin at agad namang umupo sa tabi ko.

"Nah, I'm good. Thank you rito."

"Is it that tiring?" He suddenly asked.

"Ang ano? Ang mag-drawing? Oo yawa! Gusto ko na ngang mag shift e." Inis kong sabi. Natawa lang siya sa akin. Duh mahirap naman talaga ano! Swerte mo nalang kapag may talento ka sa pag d'drawing kaya madali sayo ang mag sketch.


"Hindi. What I mean is... Your work." Aysh akala ko pa naman maging architect.


"Hindi naman ganon ka hirap. Wala nga akong ginagawa e kapag may assignments lang si Mia." Mahina kong sagot.


Siguro mahirap lang kase wala akong freedom? I mean, kung pinanganak siguro akong mayaman hindi ganito.

"Y-your family?" Nahihiya niyang tanong.

Agad kong nilihis ang mga mata at yumuko. 'Bat ba ang daming tanong nito? Hindi nga kami close e.

"Mahirap lang kami-"

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now