Chapter 8

1.2K 51 3
                                    


Kanina pa ako hindi mapakali rito sa loob ng sasakyan. Kaba, takot, pangungulila ang samo't-saring nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Pagdating namin, nag park agad si Bryce. Bumuga ako nang marahas na hangin at pinakalma ang sarili bago lumabas.

"Kaya ko 'to" bulong ko sa sarili ko.

Lumabas na ako at muntik nang makalimutan kasama ko pala si Bryce. Bumalik ako at kinatok ang bintana ng kotse niya, agad naman niyang binuksan at ngumiti.

"Why? Ambilis mo naman."

"Dito ka lang? Mainit dito e." Kahit naman may aircon ang kotse niya, papasok pa rin ang init dahil ang taas nang sikat ng araw.

"Uh... You wan't me there?" Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng pag-alala.

"Tara na."

Agad siyang lumabas at tahimik lang na sumusunod sa likod ko. Nasa bungad palang kami ng presento nakikita ko na sila Nanay. Bumaling ako kay Bryce na kinakabahan pa rin.

"You can do this." Mahina niyang sabi at nginitian ako. I smiled back to him. I never thought sa lahat ng tao siya pa ang makakasama ko rito. We're not even friends.

Lumapit na ako sa kung saan sila Nanay, kumain sila at nag k'kwentuhan kaya hindi nila agad ako nakita. I stopped in front of him... Tatay.

Tinaas niya ang tingin sa'kin at gulat pa siya nang makita ako sa harap niya nakatayo.

"M-mayang..." Naluluha niyang sabi, pilit inaabot ng kamay niya ang mukha ko. Naluluha na siya...

Agad akong tumalikod sa kanya para bumuga ng hangin at mapigilan ang pag iyak. Masakit makita siyang lumuluha... The painful moment is to see your parents crying in front of you.

Humarap ako uli sa kanya may ngiti na sa mukha ngayon. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Na miss ko siya, sobra.

"Tay!" Tumawa ako ng mapait para hindi awkward sa amin ngayon dito. "Ang guwapo niyo pa rin, Tay!"

"Na miss kita anak." Malungkot niyang sabi.

"Na miss ko rin ho kayo, Tay. Pasensya na po ah? Busy po kase ako nitong nakaraan e. Finals na kase namin next week."

"Gano'n ba? Pasensya na rin pala. M-masaya ako sa'yo Mayang dahil nag-aaral kana uli."

Masaya rin po ako, ito 'yung pangarap natin e.

Tumatanda na si Tatay. Yung mukha niya halatang pagod na pagod... Hindi ko alam kung nakakatulog ba siya rito ng mahimbing. Kung kumakain ba siya sa tamang oras. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Namamayat na rin siya.

I felt guilty for him. I pity myself for going anywhere, partying anytime. When my father is here... Suffering.

I wanted to ask him why? Bakit niya nagawa 'yon? Okay naman dati 'di ba? Kontento naman kami sa buhay na meron kami e. Masaya kami kahit mahirap lang kami... Pero bakit nandito kami ngayon sa presento?

"ino siya, Ate kyut? Boypen mo?" Bulol na sabi ni Ysa na tinutukoy si Bryce sa likod ko.

Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay dahil nangingiti na naman siya. Anong nginingiti niya?

"Uh hindi... Anak siya ng amo ko. Wala ang driver e kaya siya naghatid sa'kin dito."

"Kilala mo siya, Tay?" Tanong ko dahil sabi niya kaibigan naman niya ang papa ni Bryce.

"U-uh oo, Nak. P-pero maliit pa siya n'ong huli ko siyang nakita." Tumango lang ako.

Gusto ko siyang tanungin paano? Bakit sila naging magkaibigan? Bakit ako nasa puder ng mga Pasia? Sino ba sila sa buhay namin? Hirap akong mag salita. I inhaled an amount of air so I could keep myself calm.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now