Chapter 18

1K 38 1
                                    

Months had passed, I slowly getting better everyday. I'm getting better in order for me to ready myself in all of the truth. Kinakaya ko pero hindi ibig sabihin na okay na ako.



After that day, he didn't come up again to bother me. Hindi na siya nagpakita pagkatapos ng mga sinabi ko. Mas mabuti na rin iyon, may mga bagay din naman siyang dapat asikasohin. My relationship with my family? I don't know. Hindi pa rin nababalik sa dati.


"Are you sure with it, Cha?" May pag aalinlangan sa tono ni Shan but I nodded.

"I want to heal, Shan. I want the truth. Handa na ako." I gave her a small smile.

Last week I met my grandmother. The Mom of my Dad. Gusto niya akong tumira sa kanila but I refused. Hindi pa ako buo, marami pa akong katanungan sa pagkatao ko. Hindi ako mapapanatag kapag walang kasagutan sa lahat ng iyon.

Lumabas na kami sa kotse at pumasok na sa lugar kung saan ako lumaki. Kung saan ako unang naglakad, unang nagsalita, unang nagkaisip. Sa lugar kung saan ako nakaramdam ng pagmamahal, sa lugar nila Tatay at Nanay. My Home.


"Ate! Hala Ate, narito ka! Umuwi ka na Ate!" Si Nilo na masayang masaya nang makita ako sa labas ng bahay.


"Nasaan sila Nanay?" Tanong ko pagkatapos guluhin ang buhok niya.

"Hi Ate sexy!" Bati niya kay Shan at bumaling uli sa akin. "Nasa loob sila Ate." Aniya at tumango lang ako.


Huminga pa ako ng malalim bago pumasok. Kinakabahan ako, sobra. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko at sa lahat. We're not in a good terms. Sa mga Pasia, lalo na kay Jeralyn. At sa pamilya ko.

"Mayang!" Gulat na tawag ni Nanay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang makita ako at si Shan sa likod ko. Nagluluto siya sa kusina at naka daster pa. Gulong-gulo ang kanyang buhok at namamayat siya. Kahit naman galit ako sa kanila binibigyan ko sila ng pera para sa pangangailangan nila.

Gustong-gusto ko siyang lapitan at hagkan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Tinitigan ko lang siya ng malamig at umupo sa kawayan naming upuan. Ganoon din ang ginawa ni Shan sa tabi ko.

"Mayang..." Lumabas si Tatay galing kwarto. Hindi ko makita sila Ysa, Pipa at Nene. Siguro nasa kuwarto natutulog pa.

"Gusto kong malaman ang lahat." Malamig kong sinabi. "Lahat ng katotohanan, Nay, Tay. Sawa na ako sa mga kasinungalingan, sana naman ay huwag niyo nang ipagkait sa akin ito."



Pinatay ni Nanay ang apoy at lumapit sa sa mesa kung nasaan kami. Nasa harap ko silang pareho ni Tatay. Nababakas ang pagkabahala sa mukha nilang pareho. Tahimik lang kaming apat hanggang sa mag simula na silang mag kwento. Hinawakan ni Shan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa, para sabihing nandiyan lang siya.

"Matalik kaming magkakaibigan noon nila Marino at Joel- ang iyong Ama, Mayang." Ngumiti siya sa akin bago ipinagpatuloy ang kwento. "Hindi kami maipaghihiwalay na tatlo noon pa man. Simula elementarya hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral ay magkasama kami. Magkaibigan kami." Ulit ni Tatay nang may pait sa boses.

"Itinakdang ikasal ako sa iyong Ina, Charelle. Kami ni Jamelle na girlfriend ni Joel ang itinakdang ikasal ng pareho naming pamilya. Doon kami nagkagulo. Nagalit si Joel sa akin. Iniwan din ako ni Haniya nang malaman niya iyon. "Tumingin siya kay Nanay at hinalikan ang gilid ng noo nito. "Ayokong masira ang pagkakaibigan naming tatlo. Ayokong maiwan ng pinakamamahal ko. Ginawa ko ang tama at ang dapat, Mayang. Ipinaglaban ko ang pagmamahalan namin ni Haniya at ang pagkakaibigan namin ni Joel. Hindi naging madali iyon dahil itinakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagtutol ko sa gusto nilang mangyari. Tinanggalan nila ako ng mana at hindi pa natapos doon ang paghihirap ko... "Kinuyom ni Tatay ang kanyang palad sa galit na nararamdaman. "Sinigurado nilang walang trabaho ang magpapasok sa akin. Ginawa nila akong pulubi hanggang sa bumalik ako at magmamakaawa sa kanilang lahat!" Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdadaanan nilang lahat.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now