Chapter 12

1.1K 40 0
                                    


Bakasyon na kaya naman umuwi na ako sa amin. Nakapagpaalam na naman ako sa mga Pasia kaya wala namang naging problema. Medyo malungkot lang ako nang naisip na matagal-tagal ko rin silang hindi makikita.

May plano silang umalis ng bansa, outing and summer vacation naman daw kaya b-bonding sila. Niyaya rin naman ako nila but I refused to go with them. Mas kailangan ako rito ng pamilya ko, lalo at hindi pa na d-dismiss ang kaso ni Tatay.


Babalik siguro ako roon kapag malapit na ang pasukan. Hindi ko naman kayang paaralin pa ang sarili ko kaya kailangan ko pa ring mag trabaho nang sa ganoon ay gumaan ang gastusin namin.


Mabilis dumaan ang mga araw, pinagkaabalahan ko pansamantala ang pagpapaayos ng aming bahay. Marami na ring sira ang aming bubong kaya pinalitan na. May pera pa naman akong natira sa ipon ko pero kailangan ko sana iyon para sa kaso na ni Tatay.


Huling dalaw ko kay Tatay ay ayos naman ang lagay niya roon. Pero namamayat siya masyado kaya mas lalo ko lang pinag-iigihan na bisitahin siya at magdala ng pagkain.


"Salamat, Kuya." Inabot ko sa kapit-bahay namin ang pera, hindi naman masyadong malaki ang binayad pero pagpapasalamat na rin sa kanya sa pag-ayos ng bubong namin.


Kung hindi paglilinis ng bahay ang ginagawa ko nag lalaba na lang ako. Wala akong magawa buong araw kundi titihaya lang. Mabuti na rin na narito ako upang may kalaro si Ysa.

"Ate, May nag hahanap sa inyo sa labas!" Sigaw ni Nene.


Napakunot ang noo ko, wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah? Mas lalong walang bibisita sa'kin. Nasa Singapore sila Bryce, e. Tumayo na lang ako para tignan kung sino ang naghahanap sa labas.

Napaawang ang labi ko nang makita ang mga maaarte sa labas ng bahay namin. Anong ginagawa nila dito? Tagatak ang pawis ni Shan dahil sa init. Pupunta sila rito tapos naka ayos sila. Ano akala nila mall ang bahay namin? Jusmiyo marimar, pumasyal tanghaling tapat!


"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you..." Kumanta sila nang makita ako.

'Bat nila alam na birthday ko? Agad nangilid ang luha sa mata ko nang kantahan nila uli ako. Natawa lang ng kaunti kasi naman Avy Maria 'yong tono.

Mga kapit-bahay namin nagsilabasan na rin na curious din siguro sa ingay. Chismosa talaga sila!



"Happy birthday, Biatch!" Bati ni Etyl.

"Happy birthday, Girl!" Si Claire naman ang lumapit para mag beso.

"Happy birthday, Sis." Gracelle hugged me.

Gano'n din ang ginawa ni Shan, Joanna at Dhalal. Pagkatapos niyakap nila ako. Wala si Jeralyn dahil nasa Singapore pa siya.

"'Bat ba kayo narito?" Tanong ko. Di naman sila nagsabi na pupunta sila, e.

"Waw, baka gusto naming mag-hiking kaya kami nandito?" Sarcastic na sagot ni Etyl.

"Duh, baka dahil hindi niyo sinabi na pupunta kayo rito?" Sagot ko pabalik.

"Duh ka rin, surprised nga 'di ba? Alam mo maganda ka pero minsan tanga ka talaga, Cha!"

I smiled when I hear it. Na flatter ako sobra.

"Oh ano, we're going to stand here all day? Nangangalay paa namin uy!" Reklamo ni Shan.


Sasagot pa sana ako kaso naunahan na ako ni Nanay. Pinatuloy na sila.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Место, где живут истории. Откройте их для себя