Chapter 1

2.7K 78 3
                                    

"Iha, 'wag kang mahiya rito ah. Mababait ang mga tao rito sa bahay, mayroon lang isang hirap intindihin. Pag pasensyahan mo na kung mainitin ang ulo ng anak kong 'yon." Si sir Marino na pinag- papaalahanan ako sa kung ano man ay mayroon sa kanilang bahay.

Lumalakad pa lang kami papasok sa kanilang bahay, pagkatapos niya e-park ang sasakyan na ginamit namin patungo dito.

Mula sa labas ay tanaw ko na ang napakalaking bahay nila. Kulay Chocolate at mula sa deriksyon namin ngayon ay ang kanilang beranda.

Sa 'di kalayuan ay makikita ang malawak nilang hardin at ang nag gagandahang mga bulaklak doon. Iba't-ibang uri ng bulaklak at iba't-ibang kulay nito. Mga rosas na mapupula at matitingkad na lahi ng mga sun-flower ang nakakuha ng atensyon ko.

Pinaling ko ang ulo at tiningnan si Sir Marino at makatugon sa paalala niya. "Okay lang po, Sir. Trabaho naman po ang ipunta ko rito para matulungan ang pamilya gayong wala na si Tatay sa tabi nami," tugon ko habang inaayos ang bag na nasa balikat.

"Alam mo, iha... mabait ang Tatay mo. Pero minsan sa hirap ng buhay hindi natin mapigilan gumawa ng mali dulot na rin nito."

Ang mata niyang asul ay kumikinang sa ilalim ng kanyang salamin. Hindi ko lubos maisip bakit tinutulungan niya kami ng pamilya ko pagkatapos malaman na may ginawang krimen si Tatay.

"Bakit niyo po kami tutulungan, Sir? 'di ba ay dapat lumalayo kayo sa pamilya namin at hindi kami pinagkakatiwalaan pagkatapos makasuhan si Tatay?"

Ngumiti lang siya at hindi na naituloy ang kanyang sagot sa tanong ko dahil tuluyan na kaming nakapasok sa bahay nila.

Hindi birihang bahay ito! Ito ay mansyon! Kung malaki ang labas, mas malaki ang loob! Ang kanilang mga gamit ay halatang mamahalin at hindi lang basta-basta katulad ng sa amin. Ang kanilang hagdan ay napaka eleganteng tignan! Ang galing naman!

Hindi ko alam na napahinto na pala ako sa pag hakbang dahil sa pagkamangha.

"Welcome, Iha! Simula ngayon ay dito ka na maninirahan hanggang sa magtapos ka nang mag-aral," aniya na nahalataan ang pagkamangha ko sa loob nito.

"Salamat, Sir. Babayaran ko po kayo 'pag nakatapos na ako sa pag-aaral. Puwede din po, bawasan niyo na lang sa sahod ko ang gagastusin ko sa pag-aaral." Suhisyon ko para naman kahit papaano ay hindi gano'n kalaki ang babayaran ko sa oras na makabawi ako.

Ngumiti lang si Sir Marino sa akin at nagdatingan ang mga magaganda't guwapo na nilalang sa bahay na ito.

May tatlong babae na magaganda. Ang isa ay may katandaan na ngunit lumalabas parin ang ganda nito. Ito siguro ang asawa ni Sir. Ang isa ay dalaga na, tingin ko ay magkaedaran lang kami. Ang isa naman ay bata pa batid kong nasa walong taong gulang pa ito. At pare-pareho sila ng mukha ngunit ang isang lalaki ay guwapo rin naman nasa isampu't isa na din siguro ang kanyang edad. 'Di tulad ng mga babae na mukhang mababait at mala-anghel ang mukha, itong lalaking ito ay parang may galit sa mundo. May makapal na kilay na tila mag-uugnay na dahil sa pagsasalubong nito.

Lumapit sila sa amin ng may ngiting naka-ukit sa kanilang mga mukha... maliban sa lalaki.

"Hi! You must be Mayang, right?" ani ng Ginang sa hindi pa rin naalis ang ngiti sa mukha.

"Op-"

"Panget naman ng pangalan," bulong ngunit rinig naming lahat na sabi ng lalaki.

"Ehem! Pagpasensyahan mo na, Iha, mapagbiro talaga si Bryce." Si Sir na may pilit na ngiti.

"I'm not joking around, tsss..." balik niyang tugon. Suplado naman!

"You're so mean, Kuya!" Iyong magandang babae na dalaga.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now