Chapter 15

1.1K 41 1
                                    

Kinaumagahan, nagising akong nanginginig ang katawan. Shit, sobrang sakit ng ulo ko. Naka-off naman ang aircon pero, sobrang lamig talaga. Kinapa ko ang noo ko may tela doon na basa. Sino nag lagay?

I'm about to stand but I can't. Hindi ko kayang tumayo! Napakunot ang noo ko nang makita nakayukong natutulog si Bryce sa gilid ng kama ko. My heart skipped a beat seeing him like that.

May baso at maliit na palanggana sa study table nakapatong. Siguro ginamit niya iyon kagabi. Iba na rin ang suot ko. Naka T-shirt na ako wala na ang jacket.

"Cha... Kamusta ang pakiramdam mo?" Pinipilit niyang imulat ang mga mata niya. Halatang puyat, nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya.

"Uh... I'm okay. Bakit ka riyan na tulog?" Pertaining to my chair.

"Gusto kitang alagaan. Matulog ka na uli, huwag ka nang pumasok."

"Ayos lang ako, Bryce. Papasok ako."

Sinubukan kong tumayo uli pero tulad kanina, napaupo lang ako. Hindi talaga kaya ng katawan ko.

"See? Hindi mo kaya. Kaya 'wag nang pilitin."

Bakit siya ganito? Bakit kahit mag away kami ay walang nag bago sa kanya? Napailing na lang ako at kinuha ang tubig na nilalahad niya sa akin. Ininom ko iyon kasama ang gamot at nahiga uli.

"Bryce, you can go. Mag-review ka na lang. Okay lang ako rito."

Umiling lang siya na parang hindi pwede.

"Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit, Cha. So please, let me. Kahit ito nalang magawa ko at mabawasan man lang ang guilt na nararamdaman ko." He held my hand and caress it. Nakikiusap ang mga mata niyang tinitigan niya ako, hindi niya naman kasalanan to.

"Wala kang kasalanan, okay?" I gave him a weak smile. "I'm sorry kagabi. Masakit lang talaga ang ulo ko tapos... Hindi ko gusto ang pagiging cold mo sakin."

"Pasensya na rin. Nagseselos lang ako kaya ganoon. I'm just carried away with my emotion."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tinapi ang tabi ko. "Dito ka na matulog sa tabi ko, ako nahihirapan sa position mo diyan, e."

May pag alinlangan pa sa mukha niya pero ginawa niya rin naman. Tumabi siya sa'kin at niyakap ako. Kahit may lagnat ako, hindi pa rin siya mapigilan sa pag yakap niya.

"Love..." He called.

"Uhmmmm?" I hummed

"I love you." He whispered sofly. "Kahit magkagalit man tayo... Mahal kita, mahal pa rin kita."

I looked at him and stared for a while. "I love you too. Thank you for having a long tempered dealing with my attitude. Thank you for staying despite of my madness."

"Uunawain kita, Cha. Pipiliin kong unawain ka at intindihin ka ng paulit-ulit kaysa iwan ka."

"Natatakot ako... Natatakot ako na baka isang araw kahit sarili ko hindi ko na maintindihan." I sighed. "I'm scared that when you leave me-the person who chose to stay with me all this time, will leave me soon."

"Not going to happen, Love. I chose to stay now and I will stay with you 'til my last breath." He said sincerely.

Napakaswerte ko na siguro dahil mayroon akong ganitong klase na tao sa buhay ko, who will chose to stay by my side and chose to understand even me, myself couldn't. Nowadays it's rare to find someone who will fight for you. Fight for the battle of love.

Battle between giving up and fighting back. Someone who knows he'll be sink in the end but still choose to sailed just to save you from sinking together with him.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Onde histórias criam vida. Descubra agora