Chapter 20

1.2K 39 3
                                    

"B-Bryce..." Halos pabulong na bigkas ko.








Lalong nangunot ang noo niya at nagsalubong ang kanyang mga kilay tinitigan ako. Binaba ko ang tingin sa suot niyang Hawaiian polo shirt at board shorts. He has now a piercing on his left ear and it suit him too well. Mas lalo siyang gumwapo. Mahigit isang taon lang kaming hindi nagkita pero madami na ang nagbago sa kanya. Mas naging makisig ang kanyang katawan at ang mas lalong lumapad ang kanyang dibdib pa balikat.




He was about to speak but he didn't when we heard someone calling him from behind.



"Lance!" Kam shouted. Napatingin ako sa kanya na nagsisimula nang lumakad patungo sa amin.





"What are you doing here, Lance? Matulog na tayo, gabi na." I looked away when I heard her.





She called him Lance.. my heart skipped thinking they were together. After our second year, Kam transferred back to Dubai. Doon ang project ni Bryce, right? I smiled bitterly.






"Oh, Hi Cha! Nice to see you again." Binalingan ko silang dalawa at pilit na ngumiti kay Kam.






"Uh.. yeah! Maiwan ko na kayo." I excused myself. Hindi ko na sila muling tiningnan at nagsimula nang humakbang palayo sa kinaroroonan nila.





My sight went blurry because of the tears that suddenly formed. Fuck, I should not feel this. I feel like I'm a pathetic jealous ex! The thought of them dating together going back to when they are still in Dubai hurts me. Naninikip ang dibdib kong binuksan ang pinto ng hotel room namin at niyakap si Shan na binubulong ang pangalan ni Patrick kahit natutulog. Why do we need to feel this huh?







Natulog akong may mga luha sa mata kaya kinabukasan ay malaki ang eyesbags ko. Naniningkit ang mga matang bayagha kong hinihilot. Buti at may concealer akong dala. Pagkagising ko kanina wala na ang mga maaarte sa kama nila. Mabilis akong nag shower at nag bihis, I wear flower tube beach dress and a sunglasses. Lumabas ako at dumiretso na sa restaurant kung nasaan sila.







Kumpleto sila roon, nagkukwentohan sila nang maupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Lola. Nasa akin agad ang mga tingin nila, akala nila siguro hindi ko sila nakikita dahil sa may salamin ako. Kinuha ko iyon at nilagay sa ibabaw ng ulo ko. Muntik pa akong matawa nang makitang na taranta nilang binaling sa ibang direksyon ang mga tingin nila. Nilibot ko ang tingin para hanapin si Shan pero wala siya roon.






"Where's Shan, Lola?" She stopped chewing when I asked her.





"Umuwi na siy-" hindi na tapos ni Etyl ang sasabihin ng umangal ako.






"What?! Hindi niyo man lang hinatid?! Hinayaan niyong umuwi mag-isa 'yong kaibigan niyo?!" Inis na inis na ako dahil hindi man lang sila nag abala na ihatid si Shan.






"She's with Patrick' brother." Si Cezar na ang sumagot sa akin. Umiling na lang ako sa kanila. Tss.





Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit nasa akin ang mga mata nila. Problema ng mga ito? Naghihintay ba silang magwala ako dahil nasa harapan ko si Bryce at Kam? I wander my eyes to them and yes, I am right. They're staring at me.




"What?"




"You're torturing the lifeless shrimp." Tiningnan ko ang plato ko dahil sa sinabi ni Kam. Ginamay-gamay ko na pala ang kawawang hipon.





"Patay na rin naman kaya walang problema kung torturin ko, right?" Inangat ko sa kanya ang tingin at nag kibit balikat na lang.






One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now