"Gano'n ka mahal?" Tumango ako kay Kael.



"O-okay lang po.." naiiyak niyang sinabi. Naawa naman ako. Gustong-gusto niya talaga iyon, e. Binalik ko na lang ang cellphone sa tenga para kausapin si Dhalal.




"Naiiyak na siya. Kawawa naman ang bata.."



"Mukhang wala tayong magagawa sa gusto niya. Kawawa talaga tayo sa luha niyan."



Lahat kami ay bihag ng batang ito. Kunting tampo at luha lang kahit buong mundo ay handa kaming ibigay sa kanya. Nako!




"Pito naman tayo kaya mukhang luluwag naman sa atin 'yan. Pa send na lang sa akin ng sukat at ako na ang bahala sa designer ng gown."





"Okay okay. Salamat!" Binaba ko na ang tawag at ngumiting hinarap si Shaniya na naluluha pa rin.



"Baby, huwag ka nang umiyak, bibilhin natin 'yong gown na 'yon para sa'yo, okay?"



"Talaga?! Thank you Mommy!"




"Binili mo?" Kael asked.



"Anong binili mo? Siyempre pagtutulongan natin bayaran 'yon!" He smiled and nodded.



Pagkatapos kumain ay nag shopping kami. Katulad nga ng sinabi ko kanina, si Kael lahat nag bayad ng mga pinamili namin. Pagkatapos ay hinatid na namin si Shaniya sa bahay nila ng Mommy niya. Nasa labas na si Shan at hinihintay na ang anak.




"May request 'yang anakshie mo. Siguro naman ay sinabi na ni Dhalal sa inyo?" Sabi ko nang buhatin ni Kael ang tutulog na si Shaniya.



"Sana huwag na, Cha. Ang mahal ng request niya. Ini-spoil niyo na naman 'yan. Lalaking maluho ang bata, e." Kinuha niya si Shaniya kay Kael.



"Huwag na, okay lang naman, Shan. Kung kaya namang ibigay ay ibibigay naman namin." Ngumiti ako sa kanya.



"Hindi ko alam kay Etyl. Marami rin siyang bayarin sa anak niya. Namomoblema rin iyon."



"Bakit ba kasi hindi niya na lang ipalam kay ano ang tungkol sa bata? Anyway, tutulongan din natin siya."




"Kilala mo siya, Cha. Hanggat kaya niyang tiisin ang sitwasyon, hindi siya lalapit sa ama ng bata."




"Sana lang ay, matutunan niyang unahin ang sarili niya." Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na para umalis. Babalik pa ako sa opisina dahil may gagawin pa ako.



Hinatid ako ni Kael sa parking lot ng building. Hindi na siya pumasok pa dahil may e rereview pa siyang case. Hindi pa ako nakakatapak ng lobby ay may tumawag na naman sa akin.





"Architect, pinapapunta ka sa site. May katanungan daw si Engineer Pasia."




"Okay I'm going. Nasa lobby ako, bumaba ka sasamahan mo ako."




"Ha? Okay po. Pababa na po."




Kinuha ko ang susi ng kotse at binuhay agad iyon. Nang makita ko si Shaira sa lobby ay agad akong bumusina para malaman niyang nag aantay ako sa kanya. Dali-dali naman siyang pumasok at nag seatbelt.



"Kanina pa sila tumawag?" Tinanong ko siya pero nasa daan pa rin ang paningin.




"Tumawag po siya kaninang lunch pero sinabi kong busy ka sa kay Sir Kael."


One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now