Agad kong tinungo ang likod ng bahay kung saan papuntang garden. Naupo ako sa duyan at patuloy na umiyak.

"Hah! 5K?! Mukha ba akong 5K lang ang halaga?!" Inis kong tanong sa sarili.

Bakit ako pa? Marami namang ibang babae ah! Bakit ako pa ang napili nilang pagpustahan?

Pwede namang sabihing "Uy Dane, pahingi pera!" Bibigyan ko naman siya e hindi yung kailangan pa niya akong paglaruan. Pwede din namang "Uy Dane, role playing tayo paglalaruan kita ha?" Para naman aware akong pinag lalaruan niya hindi yung ganito. Gagong yun! Ang sakit e!

Nakatunganga lang ako sa paanan ko ng may marinig akong paparating na kotse.

"Justin!"

Napatingin ako sa sumigaw. It's Nate.

Kita sa mukha niya ang galit pero mas nangingibabaw ang pag aalala.

Napailing ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

Lumuhod siya sa harapan ko kaya hindi ko mapigilang mapahikbi.

"What happened? Why you suddenly walking out? Hmmm?" Nag aalala niyang tanong.

Itinaas niya ang baba ko para magpantay ang mukha namin. Napakunot siya at biglang umigting ang kanyang panga ng makita ang maga kong mga mata.

"I said what happened Justin Dane!" Mariin niyang tanong.

"Apayo.." (It's hurt..)

Biglang nanlambot ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko at mas lalong tumitig sa akin.

"Eodiga apayo? Malhae.." (Where it's hurt? Tell me..) Nag aalalang tanong niya at pinunasan ang aking luha.

"Yeogi.." (Here..) Turo ko sa puso ko.

"Mwo? Sumgappeun? Pigonhasibnikka?" (What? Breathless? Are you tired?) Sunod sunod niyang tanong sa akin. Napatitig ako sa kanya.

"Ani.." (No..) Sagot ko at umiling iling.

"Byeong-won-e delyeoda julkka?" (Do you want me to take you in hospital?) Pagpupumilit niya kaya napailing ako.

"Ani, gwaenchanh-a.." (No I'm okay..) Sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Then why are you crying?" Takang tanong nito sa akin kaya hindi agad ako nakasagot.

Am I going to tell him? He's my bestfriend and I trust him.

"N--Nate..-" Napatigil ako sa sasabihin ng biglang pumiyok ang boses ko. Nag uunahang magsilabasan ang aking luha.

"Bakit anong nangyari ha?" Tanong niya at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

Napailing iling ako at napabuntong hininga.

"I--I-I h--heard Tristan a-and..--" Biglang pumiyok ang boses ko at di mapigilang magsilabasan na naman ang aking luha. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin. Mas lalo akong naiiyak tuwing nasasabi ko yung iniiyakan. Para na akong batang umiiyak na nagsusumbong sa kapatid niya. Kung si Oppa lang ito siguro hindi ko palang nasasabi at pangalan palang ang naririnig niya agad na niya itong susugurin.

"What about Tristan?" Naiigting pangang tanong niya. I can sense that he is mad now. Napaiyak ako lalo dahil natatakot ako sa gagawin niya. Yes, mas okay na si Nate ang pagsasabihan ko pero paano kung malalaman nila Oppa at ni Couz? They'll definitely catch up with EJ.

"I--I heard Tristan and E--EJ talking earlier.." Humihikbing sumbong ko. Mas lalo tumitig siya sa akin at hinihintay ang sunod ko pang sasabihin.

"P--Pinag p--p-pustahan nila akong dalawa.." Pag papatuloy ko at pinunasan ang aking luha.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now