▪Chapter 33

206 5 1
                                    

"Have a seat," iyan ang bungad saamin ni Ms.Vanessa nang makita kaming dalawa ni Kevin and instead of answering her ay naupo na lamang ako.

"What is it?" tanong ni Kevin.

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

“There’s a problem with the weapons.”

“What?!”

“How is that possible?”

Sabay kaming nag-react ni Kevin dahil hindi kami parehong makapaniwala. Kitang-kita ko kung paano naging maayos ang trabaho ng mga tao dito noong araw na nag mo-monitor ako at hindi mo talaga aakalain na magkaka-problema.

“Even us, hindi din kami makapaniwala,” sa wakas ay nagsalita na din si sir na kanina pang tahimik at mukhang may malalim na iniisip.

Hindi ako nakatiis dahil malamang ay may kinalaman si Ms.Vanessa dito kung totoo man na isa siyang kalaban. Magaling siyang makipag-laro pero mukhang nagkaroon siya ng wrong move dahil ang document na nakita ko lamang kanina at kahapon ay hindi magka-tugma, at alam kong ang document na iyon ay sa kanya nanggaling.

“Someone must be stabbing us at the back,” madiin ang tingin ko kay Ms.Vanessa.

“What do you mean, My Lady?”

“Ms.Vanessa, do you think everything is going fine from the very start?”

Nakikita kong nagtataka na siya sa mga tinatanong ko ngayon at maging ang mga tao dito sa loob pero wala ni-isa sa kanila ang nagbabalak na magsalita. Gusto kong marinig ang sagot ni Ms.Vanessa at pagbasehan iyon, hindi ako mapakali.

“Yes, everything is fine. Why, Allisson?”

Napangiti ako ng mapait. Simula una pa lamang ay hindi na okay, sa tinagal-tagal na ng panahong naigugol namin sa paghahanap sa kalaban pero wala pa din ni isang clue.

“Yes, everything is going fine for you. It’s in favor of someone.”

I can’t stand this nonsense thing anymore dahil intentional naman ang lahat na pinagmumukha lamang nilang walang may alam. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanila kaya naman umalis na lamang ako ng walang paalam at naramdaman kong sinundan ako ni Kevin.

“What’s happening?”

Tumigil muna ako at tsaka muling humarap kay Kevin na ngayon ay puno na ng pagtataka sa kanyang mukha. “I can’t stand that freakin’ scripted meeting!”

“Scripted? What do you mean?”

“The culprit is inside this freakin’ organization and is playing safe! Damn.”

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad kesa ang makipagtalo pa sa kaniya dahil mamaya lamang ay marami na ang mga tao dito at baka makakuha pa kami ng maraming atensyon na pinaka-ayaw ko sa lahat. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ang pinaghihinalaan ko dahil malaki ang sakop niya at impluwensya sa loob ng organization, maaaring mabaliktad ang lahat at ako ang mapasama, hindi pwedeng mangyari ang lahat ng iyon.

Mabilis ang naging paglakad ko kaya naman hinabol pa ako ni Tyler. Wala akong balak na mag-stay sa organization ngayon dahil nag-iinit talaga ang ulo ko. Nag-diretso ako sa parking lot at akmang papasok na sa sasakyan nang hawakan nito ang braso ko.

“Why does it feel like you can’t trust me?” malungkot ang tono ng boses niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa ipinapakita niya saakin kaya naman humarap ako dito at hinawakan ang mukha niya.

“Does it look like that?”

“Its hard to admit, thinking that you won’t believe me at all but yes.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa guilt na nararamadaman ko. Again, ako na naman ang mali but he’s here, begging me to be true.

“I-i trust you, it’s just that i don’t think i have to tell this thing inside my mind.”

He hold my hand and touched my face. Now i’m facing the man who loves me at all cost, i can see how sad his eyes are, i can feel the rhythm of his heart making a broken euphony.

“If you really trust me, you’ll never have a doubt of telling me anything. Trust isn’t something with schedule, My lady.”

Ngumiti muna siya saakin bago muling binitawan ang kamay ko at pumunta sa aking sasakyan. Binuksan nito ang pinto at sumenyas na pumasok ako kaya ginawa ko ang sinabi niya. Nang makaupo na ako ay isinarado niya ang pinto at kumatok saaking bintana so i opened it.

“You’ll drive your car and i’ll drive mine. Let’s have some fun.”

Parang walang nangyari kanina dahil balik na naman siya sa kanyang sigla at ang ngiti niya ay nandoon na ulit. Hindi ko alam kung ano ba ang mabuting nagawa ko noong nakaraang buhay ko para magkaroon ako ng isang lalaking katulad niya sa buhay ko.

Tiningnan ko lamang siya sa side mirror at nang makaalis na siya sa pwesto niya ay sumenyas ito saakin na sumunod ako so i did. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero nagagawa ko pa ding sumunod sa kanya, maybe i really trust him.

Nakarating kami sa isang beach at bumaba ng sasakyan. Inabot na kami ng dilim kaya naman tahimik na dito at kitang-kita mo ang liwanag ng buwan, tanging ang paghampas ng alon lamang ng tubig ang iyong maririnig.

“Why did you bring me here?” tanong ko.

“Because i want you to have a peaceful time,” maikli niyang sagot.

Lumakad kami sa tabing dagat at tsaka naupo sa buhangin. Walang nagsasalita saamin at nakatingin lamang ako sa kalangitan. Ang ganda ng buwan at ng bituin at tamang-tama lamang lamang para mag-relax at sandaling mawala ang mga iniisip ko.

“Ang ganda ng mga bituin ngayon 'no?” nakangiti kong tanong sa kanya habang nakatingin pa din sa kalangitan.

“Yeah, and i’m looking at the most beautiful star i’ve ever seen.”

“Where? They all look the same for me,” iniikot ko pa ang aking paningin para hanapin kung may naiiba ba sa mga star pero wala talaga akong makita.

“Are you fooling me Ty-----“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pagharap ko sa kanya ay nakita kong nakatingin ito saakin.

“Now, the most beautiful star looked at me with her beautiful black eyes,” wika nito at unti-unting lumapit saakin.

Gustuhin ko man na umurong ay hindi ko magawa dahil na-stuck lamang ako sa mga tingin niya na nakakatunaw. Hindi ko alam kung ano ba ang pinapahiwatig saakin ng mga mata niya pero grabeng maka-react ang puso ko na tila ba anong oras ay maaari nang makawala. Noong sobrang liit na lamang ng pag-itan ng mukha namin ay tumigil siyang saglit.

“This is what i want for you, My lady. I want you to feel the peace.”

“Am i not having a peaceful life?”

“As Kate, you’re always surrounded by toxic people degrading you by your looks. As Allisson, you’re always thinking about the company’s problem.”

“Maybe that’s how my life works, Tyler,” mahina kong bulong dahil kahit na iyon ang lumabas sa bibig ko ay hindi matanggap ng buong pagkatao ko na kailanman ay hindi na ako makakaranas ng katahimikan.

“No. You’ll have your peaceful life and that’s with me. I’ll bring you to my own paradise and let’s make a peaceful rhythm together.”

After that, he kissed me gently and i can’t think about anything else but him. It feels like the ocean waves stopped moving and the sound of air suddenly changed. My heart beats fast but it feels so normal. He let go of my lips and looked straight into my eyes.

“After all of this, i promise to live with you no matter what it takes, My lady.”

Weapon in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon