▪Chapter 24

246 7 1
                                    

Alam kong marami pa din ang hindi ma-process sa utak nila ang sinabi ni Tyler kanina sa hallway kaya ito ako ngayon, hiyang hiya sa loob ng classroom at kasalukuyang pinagtitinginan ng lahat ng kaklase maging ng mga taong nadaan mula sa labas. This is insane, ang lakas talaga ng impact niya sa mga tao.

"Is he serious? Girlfriend niya si ugly duckling? I can't believe this"

"Maybe he's already blind"

"This can't be! He's my future"

Ayan, puro reklamo lamang ang naririnig ko simula pa kanina mula sa mga babaeng andito sa classroom namin. Gustong-gusto ko nang matapos ang maghapon at umuwi ng bahay huhu.

*Lunch time*

Kasama kong naglalakad si Tiffany papuntang cafeteria at literal na lahat ng madadaanan naming tao ay natingin saakin kaya naman gusto ko na lamang magpakain sa lupa ngayon.

"I can't hold this anymore, Tiff!" pagrereklamo ko

"Ikaw ba naman, girlfriend ng sikat at gwapong Kevin Tyler. Matalino pa! Ay nako hindi ko lang alam pag walang mahihili HAHAHA"

"Eh kasi naman! 'Wag naman sana gantong kaaga niyang sinabi!"

"Well, hawak mo ang puso niya pero hindi mo kontrolado ang utak at bibig niya HAHAHA sorry ka na lang, gurl!" tapos ayun, tinawanan na lamang niya ako ng tinawanan.

Buti pa sila ni James noong nalaman ng buong campus na sila na parang wala lang, everything went smooth para sa kanila. Andami pa ngang sumuporta dahil bagay daw silang dalawa, nakakahili.

Sa wakas after 13482938483 years ay nakarating na kami sa cafeteria. Char lang, para kasing napakatagal naming maglakad kanina kesa sa usual na lakad namin. Ewan ko ba kung pakiramdam ko lamang iyon o hindi. Umorder na kami ni Tiffany at umupo sa gilid. Nakain kami ng payapa nang dumating ang mag-bestfriend na ulupong.

"Can we seat here?" tanong ni James.

"Of course!" syempre si Tiffany, payag agad dahil jowa niya 'yan.

Tumabi saakin si Kevin kaya naman hindi ako makaimik dahil nararamdaman kong andaming nakatingin saamin.

"Why aren't you speaking, My Lady?" tanong nito saakin bago tuluyang isubo ang pagkain niya.

"Can't you see that everyone are looking at us? They can't believe everything, Tyler!" naiinis na sagot ko.

"Then don't mind them. They're stupid"

"Paano kong hindi bibigyan ng pake ha?" ngayon ay nakaharap na ako sa kan'ya.

"Chill My Lady. Of course you should focus on my handsome face and let's talk normally!"

"Kapal talaga," bara ko pa dito.

"Yeah. That's how My Lady is," nakangiting sabi nito hanggang sa hindi ko na namalayan na parang wala na akong pake sa mga nakatingin saamin dahil siya lamang at ang dalawang mag-jowa ang binibigyan ko ng atensyon.

"Look at you, you're now pissed off," pang-aasar pa saakin ni Kevin, actually kanina pa nila akong inaasar.

"Shut up, Tyler!" naiinis na sabi ko dito at tsaka nag-cross arm.

Nakita kong tumawa siya kaya naman napatingin na naman ang lahat saamin dahil ngayon lamang siya tumawa sa campus and that's because of me. Hindi ko din maiwasang hindi mapatingin sa mukha niya dahil napakagwapo niya kahit na natawa lamang siya. Parang dati itinatanggi ko lamang na ang gwapo niya tapos ngayon ay inaamin ko na din sa sarili ko.

"Stop starring at me, My lady. Masyado ka yatang na g-gwapuhan saakin," nakangiting sabi nito.

Inirapan ko muna siya bago nagsalita at sinabing "In your dreams, Tyler."

"I can't believe i fall in love with this lady who doesn't even know how to make or state some compliments," nakangiti siya sa ngayon.

"Oh, dude. Now who's cheesy?" singit ni James.

"Still you, dude"

Tinapos na lamang namin ang pagkain namin at tsaka tumayo para umalis na. Nasa may labas na kami ng cafeteria nang biglang humarap saakin si Kevin at tsaka nagsalita.

"I can't send you off later, My Lady. I have something to do with our company, hope that you understand."

"It's okay. I can't be your priority all the time"

"Thank you. I'll be going now. Take care!"

Tumango lamang ako dito bago ito umalis. Napangiti ako dahil parang iba na talaga ang Kevin na nakikita ko kumpara sa Kevin na una kong nakilala. Kevin na hindi man lang marunong maging gentleman at masyadong masama ang tabas ng dila HAHAHAHA. Bumalik na lamang kami ng classroom ni Tiffany at tsaka muling nakipagsapalaran sa nakakakapoy na klase at nakakalokang mga sagutan.

-----

Uwian naaaa!  Oo ganyan katamad yung author ng story na ito dahil hindi man lang nagpakita ng scene na may klase! Anyways, naglalakad na ako papunta sa parking lot at akala ko ay wala nang masyadong tao dito sa school dahil nag-overtime na naman ang klase namin pero masyado na yata akong sikat dahil may nag-aabang na naman saakin at ayun ay ang grupo ni Amanda ang nangunguna, kasama ang halos lahat ng mga estudyante sa university.

"So do you think naniniwala kami na gusto ka ni Kevin?" - Amanda.

"Girl, nakakarumi HAHAHAHA!" -Joy

"Hindi ko alam kung may naniwala ba talaga pero mukhang wala nga naman," -Christine.

Napasara ang kamao ko "Hindi ko naman hinihiling na maniwala kayo. Kailangan ko nang umuwi," lumakad na ako papunta sa sasakyan ko pero hinarangan ako ng mga alipores ni Amanda.

"Where do you think you're going?" wika ng isang estudyante mula doon sa gilid na hindi ko kilala.

"Going to the car na obviously ay hindi mo afford?" natatawang sambit ni Joy.

"Panget na nga Gold Digger pa. Two in one sis!" sigaw ng mga estudyante.

"I am not a gold digger" matigas na sabi ko.

"But where can you get that car? Obviously from the future CEO of the KT COMPANY, none other than Kevin!"

Masyado na akong napipikon at nadadala na ako ng emosyon ko. Kaunting kaunti pa talaga, pasensya na lang kung hindi ako makakatiis.

"It's too obvious na may sugar daddy ka. We know that your parents can't afford things like that."

*Ting*

Sorry baby pero pinuno mo ako. Sinampal ko si Amanda gamit ang kamay ko. Hindi pa malakas 'yon pero naluluha na siya.

"Huwag na 'wag mong dinadamay ang mga magulang ko dahil wala kang alam!" nangangatal na sabi ko.

"Bakit? May dapat ba akong malaman na ikamamangha ko? May tinatago ka ba ha?"

Sinampal ko ulit siya.

"Isa pa, para naman magpantay. At least 'yan natural, kesa sa blush-on mong pumuputok araw-araw!"

"How dare yo----" sasampalin sana niya ako pero agad kong nasalag ang kamay niya at hinigpitan ang hawak dito dahilan para mapadaing siya.

"You'll regret this someday Amanda. Y'all will regret this someday, i swear!" paalala ko pa bago tuluyang binitawan ang kamay ni Amanda at pumunta na sa sasakyan ko.

Pumasok na ako sa loob at tsaka pinakawalan ang inis ko. Pinagsusuntok ko ang aking bag hanggang sa manawa ako. Wala siyang karapatan na idamay ang mga magulang ko dahil kung wala ang magulang ko, walang su-swelduhin ng ganyang kalaki ang magulang niyo. Bitches!

Weapon in Disguise Where stories live. Discover now