▪Chapter 18

280 12 2
                                    

Nakarating ako ng bahay ng pagod na pagod kaya naman nagpalit lamang ako pagkatapos ay pumunta na sa aking kama at nagpahinga.

I visited my phone kung mayroon bang message na mula kay Kevin pero wala pa din. This is the first time nangyaring wala siyang paramdam maghapon. Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayan ang aking antok at tuluyan nang nakatulog.

ZZZzzzzZZZZZz

-------

Andito kami sa school at kasalukuyang nagkaklase. Walang napasok sa isip ko dahil iniisip ko pa din ang nangyari noong gabi at kung bakit walang paramdam si Kevin. Hanggang dito sa school ay hindi ko siya nakikita. I even asked James kung alam niya ba kung nasaan si Kevin pero hindi din daw niya alam.

"Ms. Perez, are you with us?" nagbalik lamang ang diwa ko nang tawagin ako ng teacher.

"A-ah yes, Sir," wala sa sarili kong sagot.

Hindi bakas sa mukha niya na naniniwala siya sa sagot ko pero hindi ko na inintindi pa iyon dahil masyado nang abala ang  aking utak sa pag-iisip ng mga magugulong bagay.

*after few hours*

Natapos na ang klase at niyakag ako ni Tiffany papuntang cafeteria kaya naman sumama na lamang ako sa kanya dahil nagugutom na din naman ako. Pagkatapos naming bumili ng kakainin namin ay humanap kami ng upuan at doon naupo.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong saakin ni Tiffany.

"There's a problem at the organization."

"And then?"

"Everything is connected kaya dapat pa akong mag-imbestiga," sagot ko sa kanya.

"Are you sure na iyon lang ang problema?" ngayon ay nakatingin na siya saakin kaya umiwas ako.

"Maghapon na walang paramdam si Tyler kahapon, until now. I'm bothered," pag-amin ko sa kanya.

"What's your last interaction with him?"

"Noong camp. As kate, he confessed to me. Sabi niya he felt like cheating kay Allisson 'cause his heart beats fast whenever i'm around daw."

"He's loving the same person," salita pa niya bago isubo ang kanyang carbonara.

"I know, but i can't tell him"

"That's one of the consequences girl, i warned you so bear with it!"

Pagkatapos ay tuluyan na siyang kumain kaya naman hindi na ako nagsalita pa at kumain na lamang din. Nang matapos na kaming kumain ay naghiwalay na kami dahil magkaiba ang way ng building na pupuntahan namin ni Tiffany, hindi ko siya kaklase sa subject na iyon. Akmang papasok na sana ako sa room namin pero napansin kong walang tao dito at pagbukas ko ng pinto ay may tumapon saakin.

"HAHAHHAHAHAH!"

“SUCCESS GUYS!”

“UY BAGAY!”

Yan ang mga narinig kong reaksyon nang magpasukan na lahat ng kaklase ko sa loob. Andito na pala silang lahat at planado nila ito.

“Do you think someone will save you?” saad ni Amanda.

“And do you think that it’s Kevin? Oh girl, so pathetic!” wika naman ni Joy.

“NO,” matipid kong sagot.

“You should, because you’re not his type.”

Napahawak ako ng mahigpit saaking palda, kailangan kong mag-tiis. Konting-konti na lang talaga makakatikim na saakin ang mga ito. Tumayo ako at tsaka ngumiti sa kanilang lahat.

Weapon in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon