▪Chapter 7

435 12 2
                                    

"Which looks better on me?" nakangiting tanong saakin ni Tiffany habang hawak ang dalawang dress na binabalak niyang bilihin.

"I prefer the black one but both of it looks good on you so you don't have to ask me Tiffany"

"Okay okay. I'll get these two"

Inihagis niya ang mga damit niya sa cart na para bang namimili lamang ng mga sampung piso na chichirya.

"Seryoso ka bang lahat yan bibilhin mo? Eh kakabili mo lang last week ah?" habang naglalakad kami ay hindi ko na naiwasang magtanong sa kanya.

"Yep. Kasya pa naman yung allowance ko," she answered without even looking at me cause she's too busy admiring the beauty of the dress she picked.

Napairap na lamang ako sa kawalan.

"Of course Tiffany. Imposibleng maubusan ka ng allowance 'cause Tito and Tita are both hardworking!"

"Yeah i know, wag mo akong konsensyahin Kate! Baka umuwi na naman akong walang mabili just like what you always did," she pouted and then i laughed.

"Okay. Okay. Go and pick what you want" naiiling na sabi ko.

Pumunta ako sa corner ng mga jeans and saktong may mga bagong labas na product na ang gaganda. I prefer jeans than skirts, i love fashion but i don't like all kinds of clothes. Pumili lamang ako ng limang piraso at ako ang magbabayad ng lahat ng kinuha ko, kahit pa sinabi ni Tiffany na treat niya ay hindi ako makakapayag dahil may panggastos naman ako na galing sa pinaghirapan nila Mom and Dad for me.

Next na pumunta ako ay sa mga damit and pumili naman ako ng 8 pieces, all plain. Kung may design man ay hindi gaanong kalaki. Balak ko na din sana bumili ng perfume pero hindi pa naman ubos yung ginagamit ko kaya next time na lang at pumunta na ako sa counter dahil alam kong mamaya pa ang tapos ni Tiffany sa pamimili ng mga gusto niya. Nasa botique pa lang kami neto, paano pa sa iba?

"Total of 8,201 pesos, Ma'am"

Iniabot ko ang card ko sa cashier at mistulang nagitla siya dahil hindi siguro niya ine-expect na may card ako at kaya kong bayaran ang mga kinuha ko. Here we go again, about the nonsense discrimination. Kesa mag-isip pa ay pinuntahan ko na si Tiffany na abala sa pamimili sa mga bagong labas na croptops.

"Tiffany, that's enough. Let's go," i tried to stop her and buti na lamang ay nakinig siya. Napakarami na ng nabili niya at base on my calculation ay aabot yon ng 20,000. Napakalakas gumastos hays!

Nakarating na sa harap ko si Tiffany after na magbayad sa cashier at lumabas na kami. Balak muna naming kumain dahil nagugutom na ulit kami at inabot na din kami ng lunch dahil sa tagal naming mamili.

Hindi na kami namili pa at pumasok na agad sa isang fast food chain na una naming nakita simula nang umalis kami sa botique na pinanggalingan namin. Agad kaming pumunta sa unahan at pumili ng kakainin. Nang maka-order na kami ay umupo na kami at hinintay na lamang na dumating ang pagkain.

"Girl, do you think may improvement?" nagsisimula na naman siyang kiligin.

"Uhm, Yes. But wag ka munang kiligin, don't let the false hope beat you," paalala ko sa kanya dahil ayaw ko lang naman na makita siyang umiiyak sa harapan ko dahil sa isang lalaki.

"Oh really? Hindi naman ako naasa, duh"

"Talaga? but your eyes are telling me that you are," hindi agad siya nakaimik bagkus ay napatikhim na lamang at dahil nga sinuswerte siya ay dumating na ang pagkain at sabay na kaming kumain.

-------------------

"This day is so happy. Thanks girl" saad ni Tiffany.

Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan at kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi.

Weapon in Disguise Where stories live. Discover now