▪Chapter 19

271 11 1
                                    

Mag-iisang linggo na akong nag-iimbestiga at hanggang ngayon ay wala parin akong makuhang sagot saking tanong. Sa loob ng isang linggo na iyon ay wala ding paramdam si Kevin.

Nagkikita kami sa school pero hindi niya ako pinapansin pero hindi ko ginawang big deal 'yon dahil alam ko namang iiwasan niya ako dahil ako si Kate pero alam mo yung masakit? Kahit sa loob ng organization ay hindi niya ako pinapansin, maging sila Ms.Vanessa at Sir ay nalilito na din.

*flashback*

Nagmamasid ako sa mga workers ngayon. Ayun ang akala nila pero talagang si Mark at Ashley lamang ang pinagtutuunan ko ng pansin. Hindi ako nagpapahalata pero talagang napakagaling umakto ng isa sa kanila dahil wala man lang akong mahanap na matibay na ebidensya laban sa kanila. After ng ilang oras ay sumuko na din ako at ipinagpaliban muna ang pagmamasid sa kanila dahil babasahin ko na lamang muna ang background nila na nakalap ko.

Bumalik na ako sa office ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang may matanawan ako. Si Tyler yun, at makakasalubong ko siya ngayon sa hallway.

"Tyler,"  nakangiti kong bati pero nilampasan lamang niya ako.

"Tyler!" pag-ulit ko pero hindi man lang siya lumingon, napipikon na ako! Pagkatapos niyang mawala ng ilang araw?

"Kevin Tyler Abiad!" matigas kong sabi kaya naman tumigil na siya at humarap saakin using his serious face.

"How can i help you, Allisson?" tanong nito saakin.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napaka-cold niya at wala na ang mga katagang"My lady".

"Is this a prank? Haha! Hindi nakakatawa, Tyler ah!" nagawa ko pang tumawa kahit na nangingilid na ang luha ko.

"Prank? For what? If you're not going to tell me something important then i must go, Allisson. Goodbye"

Tinalikuran na niya ako.

*end of flashback*

Naiiyak na naman ako pero pinawi ko ang luha ko. Naiinis ako sa kaniya dahil wala naman akong ginagawa sa kaniya pero bigla siyang magiging cold! Pinili ko na lamang din na hindi siya pansinin dahil sa tuwing mag a-attempt akong kausapin siya ay nasasaktan ako.

Sana naman hindi na lang niya ako hinayaang mahulog sa kaniya kung ganito lamang naman pala ang gagawin niya saakin! Sa Kdrama nga hindi ko naranasan yung ganitong sakit tapos paiiyakin lamang niya ako? Tangina niya!

Andito ako sa kwarto ng mga magulang ko dahil namimiss ko na naman sila at baka may mga bagay na maaaring makatulong saakin. Tiningnan ko muna ang mga picture namin na nakadisplay dito sa kwarto nila, napakasaya naman namin dati, ang sarap lamang talagang ibalik.

Pagkatapos kong tingnan ang mga litrato ay tiningnan ko naman ang drawer nila na naglalaman ng mga gamit nila, may nakita ako ditong isang ballpen na katulad ng kay Mark noong nakasalubong ko siya.

Kinuha ko ito. Hinawakan ko ito at pinindot nang bigla itong magsalita.

"System finally open. Recording system, engaged!"

Iyon ang narinig ko sa ballpen at doon lamang nag sink-in saakin ang lahat dahil nakapindot na ang ballpen noong nalaglag ito at maaaring nirerecord nito kung ano man ang galaw at sinusulat ni Ms.Vanessa! Sh*t i have to be quick! Baka may masulat pa siyang malaman ng kalaban, hindi maaari.

Dali-dali akong pumunta sa organization at patakbong pumunta sa office ni Ms.Vanessa. Hindi na ako kumatok pa at hinihingal na binuksan ang pinto. Nakita kong ginagamit niya ang ballpen kaya naman inagaw ko ito sa kanya at tsaka muling pinindot para mag-stop ang pagre-record.

Weapon in Disguise Where stories live. Discover now