▪Chapter 9

357 14 1
                                    

Kasalukuyang kaming naglalakad papunta sa room ngayon ni Tiffany. Hawak-hawak niya ang kamay ko at nararamdaman ko ang higpit sa hawak niya, sensyales na nag-iinit na ang ulo niya at kung hindi ko siya pipigilan ay baka kung ano pa ang magawa niya sa dalawa ni Joy at Christine.

"They should know who you are,Kate! For pete's sake! Do it!" nanggigil na saad niya.

"I just can't, Tiffany. I promised my parents," mahina ang boses ko at nakatungo.

"They're gone Kate, you can do it now. Anytime soon you'll hold TERI..."

"Just because they're already gone doesn't mean that i won't protect myself. Understand me, Tiffany. I know what i'm doing."

Tumigil muna siya nang malapit na kami sa pinto ng classroom at humarap saakin, nakikita ko kung gaano siya nalulungkot na makita akong ganito pero wala akong magagawa dahil hangga't hindi pa akin ang oras, hangga't 'di pa pabor ang tadhana saakin at hangga't hindi ko pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko ay hinding-hindi ako gagawa ng galaw na maaaring ako din ang maapektuhan ng malala.

"You're protecting yourself from the people you don't know yet, so please also protect yourself from those people who already hit you. I can't always be by your side Kate, everytime i think of what others might do to you, it feels like i'm torturing my mind and my heart!" i can see how sincere she is, i can feel how heatmelting her words are.

"I'm too lucky to have you so yeah, I promise that i will protect myself with the solutions i can," itinaas ko pa ang aking kamay as a sign that i am promising.

"Use Allisson. You can help yourself. That's all i can think as of now," mula sa pagiging malungkot ay naging seryoso ang mukha niya.

Medyo nalilito ako "How can i use myself?"

"I don't know too but i think it can help. Let's go inside."

Hinila na niya ako kaya naman muntik na akong matumba, it's her hobby. If ever talaga na may gumaya kay Tiffany ay hinding-hindi nila ako maloloko dahil hila pa lamang ni Tiffany ay kilala ko na. Medyo masakit pa din ang katawan ko at nagdadalwang isip kung makakapag training ba ako mamaya. Nagdadalwang isip ako kung tatawag na lamang ba ako kay Ms.Vanessa o mag t-try pa din akong pumunta. Nakasunod lamang ako kay Tiffany kaya naman naumpog ako nang bigla siyang tumigil.

"What the hell, Tiffany?!" mahina kong saad.

"H-he's here!"

"What? Who?" umisod ako para makita kung sino ba ang tinutukoy niya at kung bakit kailangan pa niyang mautal. Akala ko matatawa ako pero mukhang mas malaki pa ang gulat ko kaysa sa naging reaksyon ni Tiffany.

"What is he doing here?" bulong ko sa kanya.

"I don't know. James asked me kanina noong umalis ka kung ano ba daw ang course ko and i told him."

Is it just me? Pero para talagang nakakahalata na ako dito kay James. It seems like he likes Tiffany. Parang kilala na niya talaga si Tiffany bago pa kami magkita dito sa school. Itinulak ko na lamang siya para makalakad na kami dahil kanina pa kaming nakatayo dito sa may pinto at parang mga timang na nagbubulungan.

"Oh, hi Tiffany and Kate!" nakangiting bati saamin ni James na nakaupo sa likod ng upuan ko.

"Oh hey, what brings you here?" ako na ang nag entertain kay James dahil umupo na agad si Tiffany sa kanyang upuan at binuksan ang librong nasa lamesa niya.

Lumapit siya saakin atsaka bumulong.

"Nothing, i just want to see her," atsaka ngumiti.

Agad na nanlaki ang aking mata at muntik na akong mapasigaw kung hindi lamang natakpan ni James ang aking bibig. Hindi nakita ni Tiffany 'yon dahil busy siya sa pagbabasa sa libro, sus kala mo naman nagbabasa talaga e!

"Someday, i'll talk to you about that but first let's study HAHAHAHA!"

Mahina lamang ang boses ko na sapat lamang para marinig niya. I can't be Allisson right now na walang katumbas ang lakas ng boses.

"In one condition," sumeryso bigla ang mukha niya.

"What is it?"

"You'll help me win her heart," natawa ako sa sinabi niya.

"You already won, you just have to make her yours!" naiiling na sagot ko.

"Whatever is it, will you help me?" i can see and feel how sincere he is.

"Deal"

"Pinky swear?" itinaas pa niya ang kamay niya so i did the same.

"Yeah, pinky swear," and we both laughed so almost all of the students inside the room looked at us.

"I'll return the favor to you in the future. Someday, i know," pagsasalita niya na para bang napakasigurado niya.

"We'll see. I'll remember that, Smith."

Pagkatapos kong magsalita ay humarap na ako sa unahan pagkatapos ay lumingon kay Tiffany na nakatingin saakin at mababasa mo na "what's about all of that?"  i just shrugged at her and smiled. I'm happy for her. She deserve to be happy.

After 5 minutes ay pumasok na ang teacher namin and all of us just listened, taking down notes for the quiz.

-----

Sadyang napakabilis ng oras at hindi mo mamamalayan ang maghapon. Tapos na agad ang school and it's time for the training. Andito ako ngayon sa kwarto at pinag-iisipan kung dapat ba akong pumunta sa training o sabihin na lang kay Ate (Ms.Vanessa) na i can't make it. Ilang minuto pa akong nagpagulong-gulong hanggang sa napagdesisyunan kong pumunta na lang dahil hindi ako matututo kung magpapaungkot-ungkot lamang ako dito.

Nagbihis lamang ako at pumunta sa garahe para mamili ng sasakyan na gagamitin ko. Hindi ko pwedeng gamitin ang sasakyan na ginamit ko as Kate dahil malamang na may nakapansin na noon kahit wala namang nagsasabi saakin.

Pinili ko na lamang ang sasakyan na binili saakin ni Mom noong last birthday ko. Sumakay na ako dito at pinabuksan kay Aling Theresa ang gate. Medyo naging mabilis ang aking patakbo dahil gusto kong makarating ng maaga para makauwi ako ng maaga. Nang malapit na ako ay tinawagan ko si Ms.Vanessa.

"Ate!"

[What is it Kate?]

"Where's the parking lot for my car? I mean where should i put this?"

[You're driving on your own?!]

Parang hindi makapaniwala na tanong saakin ni ate.

"Yes. Manong allowed me. So where should i put this?"

[I'll send you the map. You should park that at the parking lot where my car, Aeron's car and Kevin's car are]

Magrereklamo pa sana ako kaso pinatay na niya agad ang tawag kaya no choice ako kung hindi ang doon na nga lang mag park.

Weapon in Disguise Where stories live. Discover now