▪Chapter 28

220 8 0
                                    

Buti na lamang at naging mabilis ang araw dahil wala na ulit pasok kaya naman maigagala ko na sina Annalyn at William. Maliligo na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ng hindi na tinitingnan kung kanino ba galing iyon

"Good morning, My Lady!" masiglang bati ni Kevin mula sa kabilang linya.

"Oh, Good morning, Tyler"

"Do you have any plans for today?"

"Yes, why?"

"Gusto sana kitang i-date e! My lady naman! Aawayin ko yang schedule mo e...."

Napangiti ako dahil nalabas na naman ang pagiging isip bata niya.

"Ilalabas ko kasi mga anak ni manong ngayon. Aalis na kasi sila bukas," pagpapaliwanag ko dito.

"Okay. Take care! I love you," malambing ang tono ng boses niya.

"I love you more," and i ended the call.

Naligo na ako at nagbihis. Pinili kong suotin ang pantalon ko and yung airmax para sa pambaba pagkatapos ay simpleng color white na t-shirt  naman na naka tuck-in ang unahan ang sa itaas.

Isinuot ko din ang smart watch ko na mag ma-match sa outfit ko pagkatapos ay itinali ang blonde and curly hair ko ng mataas. Naglagay lamang ako ng moisturizer at ng lipbalm para naman hindi dry ang labi ko pagkatapos ay lumabas na.

Nakita kong ready na si William pero wala pa din si Annalyn sa labas kaya naman pinuntahan ko ito sa kwarto niya at nakita kong naka pambahay pa din ito pero nakaligo na.

"Bakit hindi ka pa bihis?" tanong ko dito.

"Hindi ko po kasi alam ang susuotin ko, Ate" 

Sus! 'Yun lang naman pala e. Tiningnan ko ang mga damit na dala niya at nakita kong mga simple lamang iyon. Hindi siya nagsusuot ng mga maiiksi at mga bitin pero nagawan ko pa din ng paraan. Pinaharap ko siya sa salamin at mukhang namangha siya sa kanyang itsura.

"Woah!" iyan lamang ang nasabi niya kaya naman napangiti ako dahil isa talaga yan sa hilig ko, fashion.

Bumaba na kami at nagulat ako nang makita kong andun si Kevin at nakikipaglaro kay William. Nakakatawa pa itong si William, aba't ang bilis naman nilang naging close?

"William," tawag ko dito kaya naman tumakbo ito saakin at yumakap.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago magsalita "Are you excited?"

"Opo! Sobra"

Pinisil ko muna ang pisngi nito bago tumayo at tumingin kay Kevin.

"Where's my kiss?" tanong niya saakin.

"Ulol. Kiss mo mukha mo," sagot ko dito.

"Bakit si William, meron? Ako wala?" naka-pout pa 'to.

"Bata naman kase yon, Tyler"

Napa-iling na lamang ako sa kakulitan niya.

"Sus, ako nga kaya kang bigyan ng bata!"

Napatingin agad ako kung may nadinig ba iyon nila Annalyn at buti na lamang ay malayo kami. Muli kong tiningnan si Kevin at pinanlisikan ng mata ito.

"Manahimik ka, Abiad. Ipapalapa kita sa aso!"

"Okay master. Highblood ka naman agad e nagsasabi lang naman ako ng totoo"

"Whatever! Shut up"

Pumunta na ako sa gawi nila Annalyn at William.

"Tara na?" yakag ko sa dalawang ito at lumabas na kami. Pupunta na sana ako sa garage pero hinawakan ni Kevin ang kamay ko.

Weapon in Disguise Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz