CHAPTER 8

599 10 0
                                    

Sharlyn's POV

"This way ma'am " sumunod naman ako sa waiter na sumalubong sakin. Hindi ko mapigilang mamangha sa paligid habang naglalakad kami.

Ang gaan gaan lang kasi ng ambiance tapos sinabayan pa ng malumanay na tugtog kaya may karamihan na nagsasayaw. Maganda rin ang pagkaka arrange ng bawat lamesa na pinagigitnaan ng isang maliit na paso na may bulaklak na nakatanim. Tapos isa sa mga nakakuha ng atensyon ko ay ang pagiging maasikaso ng mga staff ng restaurant. Wala kang makikitang nakasimangot sa kanila tapos kung magsalita sila ay ramdam mo talaga ang paggalang nila sayo, yung mga suot din nila sobrang formal.

Pagkarating namin sa table ko ay umalis muna yung waiter, kaya nagkaroon ulit ako ng pagkakataong obserbahan yung paligid.

Halata sa mata ng mga tao ang page enjoy na nagpadagdag sa ganda ng lugar. Ngayon ko lang ito nakita siguro bagong tayo lang to o baka naman matagal na hindi ko lang alam dahil nga nasa america ako ng limang taon,marami na talaga ang nagbago.

"Excuse me ma'am?" napalingon ako dun sa waiter na nag assist sakin kanina. "Here's your complimentary bread and water" natakam naman ako ng makita yung tinapay, simple lang ito pero alam mong masarap. Dinagdagan pa ng may pa design ito na nagpabongga lalo sa tinapay. Hinintay ko munang mailapag ng waiter bago ito tinikman.

Mmmm bakit ganun SOBRANG sarap!!!

Mas higit pa pala sa inaasahan ko yung lasa nung tinapay. Sobrang lambot nyang nguyain at malalasahan mo ang naglalaban na tamis at alat nito. Inaamin ko na mahilig ako sa matatamis, dati pa nga walang araw na wala akong dalang matamis na pagkain. Natigil nga lang nung maospital ako pero pagkalabas ko ng ospital wala parin namang nagbago,matigas kaya ang ulo ko.

"Just call me when you are ready to order, ma'am " tango lang ang naging sagot ko dahil kumuha ulit ako ng piraso nung tinapay at masayang kinain.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nabitawan ko yung kutsara at agarang napahawak sa aking ulo. Mas lalo itong kumirot kaya napadungo ako at naipikit ang mga mata.

"Napakaganda nyang bata at talagang nakuha nya sayo ang magaganda mong mata,ang mga matang kapag aking tinititiga'y para akong dinadala sa ibang mundo"

"Tama ka aking mahal-oww oww nakita mo yun mahal ngumiti sya NGUMITI SYA!!! "

"Hahaha nakita ko aking mahal kaya hindi mo na kailangang sabihin at baka magulat sya't umiyak"

"*pout* Ganun ba talaga sila kapag may naririnig silang sumisigaw"

"Ganun nga mahal hindi ba nga umiyak rin si **** nung napasigaw ka sa tuwa dahil ngumiti ito."

"Ayy oo nga nu hehehe nakalimutan ko na. Mmm shorry baby at sumigaw si mommy wag kang iiyak ha?------WAAAHHHHHH NGUMITI ULIT SYA!!! -"

"Mahal wag kang sumigaw at baka...."

*UNGAAAA!!!! *

"umiyak sya"

"Wahhhh mahal umiiyak si **** anong gagawin natin" ----

"Ma'am,okay lang po ba kayo? " agad na naglaho ang eksena na nakita ko ng imulat ko ang aking mga mata. "Ma'am?" dahan dahan akong napatingala dahil sa tawag na yun. Ito yung waiter na nag-aasisst sakin, halata sa mukha nya ang pagaalala. "Ma'am ayos lang po ba kayo? " ulit nitong tanong.

"A-ayos lang ako"

"Sigurado po kayo? "

"Yes...umm kailangan kong pumunta sa banyo"

HE WANTS ME BACKHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin