CHAPTER 32

229 5 0
                                    

Sharlyn’s POV

“Lola,Lolo we will miss you,”

“ Ako rin maganda kong apo. Makikinig kayo sa mommy niyo,okay?”

“Okay po!”

Nilingon ako nila mom at niyakap ako. “Mag-iingat po kayo doon,” paalala ko.

“We will, Honey.” Saad ni Dad at hinalikan ang noo ko. Ngayong araw na kasi ang punta nila sa US at sa pagkakatanda ko mahigit isang buwan sila doon. Kaya medyo nalulungkot ako. Hinagkan nila sa huling pagkakataon ang mga bata at binilinan din si Kurt na bantayan kami ng mabuti bago  sumakay sa sasakyan. Nang mawala na sila sa paningin namin ay pumasok na kami sa bahay. Dumiretso ako sa kusina dahil gustong kumain ng mga bata.

Dalawang linggo nang hindi umuuwi si Kendall at sobrang nagaalala na ako sa kanya. Kinontact ko na sila Tita at sabi nilang nakausap nila si Kendall. Nagtaka pa sila dahil bakit ako nagtatanong, sa mga ganito kasing bagay ako talaga ang unang sinasabihan ni Kendall dito nga siya tumira imbes na kela Tita, but everything changed. She suddenly change and I don’t know what to do. Sa dalawang linggo  ring ‘yon ay parating bumibisita dito si Blake. Walang palya, parang walang trabaho. Minsan nga mas sinusunod pa ng mga bata si Blake kesa sa’kin.

Dumating ang hapon ay naging busy ang mga bata dahil may online classess sila. And I am here , in the living room kausap si kuya Ken. “Wala pa rin bang balita, kuya?”

“As usual. Ang babae talagang ‘yon,” may gigil na ani kuya Ken. Napabuntong hininga nalang ako at agad namang pinagaan ni kuya Ken ang loob ko. “Kilala mo naman ang kapatid ko ‘yon. We know na nasa mabuti  siyang kalagayan. Kapag hindi ko pa nahanap kung na saan siya this week. I’ll use connection, okay? So stp stressing yourself, Sharlyn. Baka maapektuhan ang mga bata. Matatalino pa naman ang mga pamangkin ko,”

“ Thank you, kuya Ken. Wag kang mag-alala hindi ko hahayaang maapektuhan ang mga bata,” I assured him.

“E yung Blake na ‘yon, kumusta na?” pag-iiba nito ng usapan. Napakamot na lang ako sa batok dahil nandito na naman kami sa usapang ito. Nung kinontact ko kasi sila Tita sumaktong nanddon si kuya Ken. Syempe naging pamilya ko na sila kaya sinabi ko rin yung kay Blake hindi ko rin naman na matatanggi dahil sinabi ng mga bata nung ibigay ko sa kanila yung phone nung araw na ‘yun.  Supportive naman sila Tita at natutuwa para sa mga bata, pero may isang non-supportive...

“Si kuya Ken talaga, wag kang mag-alala pumupunta lang ‘yon dito para sa mga bata,”

“Wag kang magpapaloko, Sharlyn. Alam ko ang mga galawan ng gusto ng comeback. Naku! Sinasabi ko sayo, sasaktan ka lang ulit ng lokong ‘yon!”

“Si kuya talaga... O, siya sige na at may trabaho ka pa diba?”

“Wag mong ibahin ang---”

“Sige na, bye bye. Ingat lagi!”

“Ho---” bago pa ako masigawan ay pinatay ko na ang tawag at mabilis na iner-plane mode ang phone dahil siguradong tatawag ng tatawag ‘yon.

“Magkapatid talaga sila ni Kendall,” naiiling kong saad at tumayo para pumuntang kusina. Kung nagtataka kayo kung bakit ganun makapagsalita si kuya Ken? Simple lang ang sagot diyan...hindi pa nakikita ni kuya Ken si Blake. Nakakagulat hindi ba? Dahil sa tagal namin ni Blake hindi man lang nagkita ang dalawa. Maaga kasing nag-ibang bansa si kuya Ken hindi pa kami magkakilala ni Blake. Nagkakataon ding kapag umuuwi si kuya Ken at nagsasabing gustong makita si Blake ay busy naman si Blake. Pati rin sa kasal namin, hindi sila nagkita. May importante kasing ginawa si kuya Ken sa ibang bansa na talagang hindi pwedeng hindi puntahan, kaya kahit sayang at nakakalungkot pumayag akong hindi siya pumunta. Bumawi naman siya sa regalo. Tanda ko pa pinasahan ko siya ng picture pero sa tingin ko picture lang namin nila Kendall at ng ibang bisita, walang kami ni Blake kasi hindi mahilig mag-picture si Blake lalo na kung maraming tao. So that’s story kaya hindi kilala ni kuya Ken si Blake sa mukha. At sa pagkakatanda ko, mag-business partner ang dalawa. Bago lang si Kendall pa nga ang nagsabi sa’kin. Ano kayang magiging reaksyon ni kuya Ken kapag nalaman niyang si Blake na ex ko at Blake  na business partner niya ay iisa?

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now