CHAPTER 30

345 7 0
                                    

"Let's try that one,"

"No Princess, it's dangerous," tutol ko ng ituro niya ang octopus ride. Humaba kaagad ang nguso nito at lumingon sa Daddy niya, humihingi ng tulong.

"My Princess, your mommy is right. That ride is dangerous, "

"But---"

"How about buying a new stuff toy. Hindi ba gusto mong magkaroon ng bagong friends si Mr. Pooh maliban kina Anna at Elsa? " Pag iiba ko ng usapan, alam ko na kasi kung saan mapupunta ang usapang ito. What Princess want, Princess get. Pero alam ko ang limit niya, nila. Hindi ko gustong lumaki silang nakukuha lahat ng gusto.

Nagkinangan naman ang mga mata niya ng banggitin ko ang mga paborito niyang laruan. And in the end napunta kami sa bilihan ng mga stuff toys. Nagpunta rin kami sa mga palaruan na ang premyo ay stuff toys. Walang angal  din ang mga kuya niya ng pilitin niya itong maglaro, lalo naman ang kuya Brayle niya. They're Princess.

"You raise them very well," mahinang usal ni Blake. Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niyang 'yon. Bilang single parent na napalaki ng triplets, sabihin lang ng ibang tao na ang babait nilang bata ibang saya na ang nararamdaman ko. Hindi madaling magpalaki ng anak, ano pa kaya ang tatlo. Buti nalang at may mga taong tumulong at naggabay sa'kin sa pagpapalaki sa kanila.

"And I'm very proud, mabait silang mga bata. Mabilis silang makaintindi sa murang edad nila,"

"Do you think I'm too late?" Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng itanong niya 'ton. Nilingon ko siya at kita sa mga mata niya ang maraming emosyon na hindi ko mapangalanan, pero may isa akong emosyon na nangingibabaw ngayon. Pag-asa, nagbabakasakali siya kung May pag-asa pa para sa kanya.

"Hindi ka nahuli, Blake. Sakto lang ang pagdating mo... " lumingon ito sa'kin at nagulat sa sinabi ko. "Well, let's say na MEDYO nahuli ka. Pero nangyari na ang mahalaga ay yung ngayon. Kung anong gagawin mo para sa kanila. Babawi ka naman sa kanila hindi ba? Yon yung sinabi mo,"

"Thank you, Sharlyn," seryoso nitong ani. Hindi ko naman napayaman ang makipagtitigan sa kanya kaya ako na mismo ang lumihis ng tingin.

"Ano ka ba, wala 'yon," Bakit pakiramdam ko namumula ako? "T-tara na at marami ka pang gagawin para makabawi sa kanila, "

"Hahaha, your right, "

Kainis! Bakit may kasamang tawa? Ang nakakainis pa tunog nangaakit para sa'kin ang tawa nyang 'yon!

****
"Saan ka na naman pupunta? Gabi na, oh. "

Napatigil sa akmang pagbaba ng hagdan si Kendall sa sinabi kong 'yon. Naisip ko lang na baka maabutan ko ngayon si Kendall at tama nga ako. Ilang beses ko na siyang sinubukan makausap para kamustahin dahil nitong mga nakaraang araw anong oras na siya kung umuwi. Mukha na nga siyang aswang dahil tuwing umaga ay tulog at kapag gabi ay gising at wala dito. Mukhang hindi niya inaasahang gising pa ako ngayon dahil hindi agad siya nakakilos sa kinatatayuan niya.

"M-may pupuntahan lang ako, Beshie, " mahina niyang sagot ng makarecover sa gulat. At nagawa niya pang tumawa ng awkward.

Inunahan ko na siya sa pagbaba at hinarap siya. "At saan naman? " taas kilay ko ritong tanong.

"D-diyan lang,"

"Nautal ka, ibig sabihin hindi ka nagsasabi ng totoo," may bahid ng lungkot kong dagdag. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at nagpunta ng kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman siya pero wala na ang bag na dala dala niya, inilapag niya siguro.

"B-beshie,"

"Hindi ako magagalit kung sasabihin mo sa'kin ang dahilan mo. Nag-aalala lang ako para sayo Kendall. Ilang araw ka ng parang umiiwas, tapos palagi ka ring umaalis," may pag aalala kong sabi sa kanya. Natigilan naman siya at hindi magawang tignan ako. "May problema ka ba? Handa akong makinig at kung pwede matulungan ka rin," kinuha ko ang pareho nilang kamay at pinaharap siya sa akin. "Makikinig ako, promise. "

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now