CHAPTER 11

468 9 0
                                    

Sharlyn's POV

Sa mga nagdaang araw ay hindi parin mawala wala sa sistema ko yung takot at kaba na naramdaman ko nung araw na yun. Tuwing uuwi ako para akong timang na titingin-tingin sa paligid kung may sumusunod ba sakin. Lagi rin akong wala sa sarili dahil iniisip ko kung may nagawan ba ako ng mali noong bata pa ako. Wala naman akong matandaang ginawan ng masama kaya palaisipan parin sa akin kung sino nga ba ang nasa likod ng mga nangyayari samin.

Hindi nya ba naiisip na nakakatakot at nakakabahala ang mga pinag-gagagawa nya. Kung may galit sya sakin wag naman nya daanin sa pasunod-sunod.

Alam ko ring nahahalata ng mga tao sa paligid ko ang weird kong mga kilos. Lalong lalo na sina Kendall at Brayle. Hindi lang ako matyempuhan ni Kendall dahil abala sya sa kanyang trabaho. Si Brayle naman ay masyadong matalino para hindi makahalata, kilalang kilala ako ng batang yun katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Wala nga lang syang ginagawa na pinagpapasalamat ko,nililibang lang nya sina Princess at Jhon para hindi mahahalata sa pagbabago ko. Ayoko na mag-alala sila sakin hindi ko rin gustong makaramdam sila ng takot katulad ng takot na naramdaman ni Princess nung sa mall. Kitang kita ko kung paano sya manginig kahit nakangiti sya nung mga oras na yun, pinanatili lang nyang maging mahinahon katulad ng bilin ko. Pero hindi ibig sabihin nun na hahayaan ko ulit maramdaman nya yun, nilang tatlo. Mahalaga para sakin ang mga anak ko at kaya kong gawin ang lahat para lang sa kaligtasan nilang lahat.

"Oy, Lein tignan mo si sir Blake nakatingin na naman kay ate Sharlyn"

Natigilan ako sa pag-iisip at natuon ang atensyon sa nagdadaldalang si Lein at Bea, ang dakilang tsismosa sa mga empleyado ko. Hindi ko sila nililingon pero nakatuon naman ang tenga ko sa pinaguusapan nilang dalawa.

Ano naman kayang pinag-uusapan ng dalawang to? At nadamay ang pangalan ko at ni Blake.

"Hala, oo nga nu lagi ko rin syang naaabutang nakatingin kay ate Sharlyn nitong mga nagdaang araw"

"Hihihihihi,kinikilig ako"

"Huh? Bakit naman? "

"Baliw hindi pa ba halata, may gusto si sir Blake kay ate Sharlyn!"

"Oh my go--"

"Wala ba kayong gagawing trabaho Lein, Bea? " halatang nagulat sila sa bigla kong paglingon at pagkausap sa kanila dahil hindi agad sila nakapagsalita. "Ano pang ginagawa nyo? Back to work!!" taranta naman silang bumalik sa mga pwesto nila.

Napailing na lamang ako "Ang dalawa talagang yun" Iikot na sana ako para bumalik sa pagtatrabaho ng mahagip ng mata ko si Blake. Prente itong nakaupo sa may isang sulok, may nakapwesto doong isang mahabang table at upuang shivel chair. At talagang nakatapat sa pwesto ko ang table nya na yun.

Titig na titig ito sa akin at para bang binabasa ang mga galaw ko. Agad naman akong napaiwas ng tingin at bumalik sa pagtatrabaho. Ramdam ko parin ang mga malalalim nyang tingin at parang pati kaloob looban ko ay tinitignan nya. Napailing na lamang ako sa isiping iyon at bumalik sa pagtatrabaho.

Lumipas ang ilang minuto ng lumapit sa akin si Jane. May kung ano sa itsura nya at parang may gusto syang sabihin sakin.

"May problema ba, Jane? " may pag aalala kung tanong sa kanya.

"P-pwede ko po ba kayong makausap ate Sharlyn?" hindi nya sinagot ang tanong ko at gusto nya rin akong makausap kaya alam ko ng may hindi magandang nangyari.

"Sandali lang at tatapusin ko muna ito"

"S-sige po" Hindi na ako nagsayang na panahon at tinapos na ang dapat tapusin.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now