CHAPTER 34

235 8 2
                                    

IT'S been three day ng madischarged ako sa hospital at sa tatlong araw na 'yon marami akong gustong masagot at malaman. At hindi ko hahayaang wala akong makuha this time. The moment i woke up, my memories back too. Wala akong na-missed ni isa, bawat nangyari sa'kin when I was a child I remembered. Wala akong sinabihan kahit isa dahil may isa akong taong gustong makausap bago ko ipaalam sa iba.

"What are you doing here?" And it's her.

"Ate Marmar," halata ang pagkagulat sa kanya ng tawagin ko siya sa nickname na ginawa ko nung mga bata pa kami.

"H-how did---"

"Paano ko naaalala? Dahil naaalala ko na?" may sarkastiko ko ritong saad.

"S-sharly---"

"Bethany...Bethany Serenity Chua is my name, don't you remember?" bumuntong hininga siya ng makitang nagpipigil ako ng galit. She gesture to come in and I did.

"Kukuha lang ako ng makakain," hindi ko siya nilingon at inilibot lang ang tingin sa condo niya. It's still the same nung huli akong pumunta. Hindi naman nagtagal ay bumalik siya na may dala dalang meryenda. "Paano nangyaring nakakaalala ka na?"

"Ayaw mo ba?"

"N-no---"

"Nung mauntog ako ng malakas sa mall at maospital...Let's get straight to the point at gusto kong sagutin mo ng totoo." seryoso kong ani. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nawalan ako ng alaala?"

"T-thany, it's hard to explain."

"Then make it easy, Maria Bernice Chua."
Natahimik kami ng ilang sandali bago siya nagsalita.

"P-pagkatapos nung araw na hinulog tayo sa bangin may mag-asawang nakakita sa'tin. Mabilis nila tayong isinugod sa ospital and luckily survived. Akala ko magiging maayos na ang lahat pero dahil sa traumang nangyari sa'tin at pagkabagok ng ulo mo nagka-amnesia ka. Natakot akong bumalik tayo kina Mom kaya pinakiusapan ko ang mag-asawang tumulong sa'tin na ampunin nila tayo at wag sasabihin sa'yo na may amnesia ka."

"At ang mag-asawang 'yon ay ang kinilala kong nanay at tatay, tama ba?"

"Mmm,"

"Bakit naman nadamay dito si Blake? At wag mo nang susubukang tumanggi dahil alam kong hindi totoo yung nangyari sa office five years ago." pagdagdag ko ng ibubuka niya na ang labi niya para mag-alibi.

"I needed his help, hindi ko gustong madamay sina tita at tito sa paghihiganti ko. Napatunayan ko ring mapagkakatiwalaan si Blake kaya sinabi ko sa kanya ang totoo at sumang-ayon naman siya." napahawak nalang ako sa noo dahil sa sinabi ni ate Shane-i mean Marmar. "Thany..."

"Alam mo bang naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko. Kasi nagawa kong magalit sa inyong dalawa ni Blake kasi akala ko niloko niyo. Naiinis ako sa sarili ko kasi nawala yung alaala ko kaya kailangan mong humarap sa kanya ng mag-isa. Habang ako busy sa ibang bansa ng ilang taon, nandito ka, nandito kayo nag-iisip ng paraan para makaganti sa taong gumawa nun sa'tin." hindi ko na napigilang maluha habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Mabilis namang nakalapit sa'kin si ate Marmar at isinandal ako sa dibdib niya.

"No, Thany it's not your fault. Ako ang nakaisip nito kaya dapat ako ang sisihin mo,"

"Paano kita masisisi kung kaligtasan ko naman yung dahilan kaya nagawa mo ang mga ito?"

"Please Thany stop blaming yourself. Okay, pareho tayong may kasalanan, okay?"

"Mmm...k-kamusta sina Mom?"

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now