CHAPTER 4

919 11 0
                                    

Sharlyn's POV

Anong gagawin mo kapag lumapit sya sayo at nagtanong kung kamusta ka na? Paano ka magrereact kung blangko ang mukha nya pero ramdam mong sincere sya kapag tumitinggin ka sa mga mata nya??--

"HOYYYYY BABAE NAKIKINIG KA BA!!!!!" nahulog ako sa upuan dahil sa sigaw na yun

awwww ang pwet ko!!

Tinignan ko namn kung sino yung walang hiyang sumigaw na yun.At nakita ko naman si Kendall na sobrang sama ng titig sa akin.

"Ano bang problema mo ha?Bakit ka naninigaw?" kunot noo kong tanong sa kanya

"Ahhh ikaw pa ngayon ang may ganang magalit,e kanina pa ako putak ng putak dito tapos ikaw lumilipad na namn yang utak mo sa ibang planeta......Magtapat ka nga sa akin may tinatago ka ba ha?Simula ng umuwi ka kahapon e nagkakaganyan ka na,maayos namn nung umalis ka a."Seryosong sabi nya kaya nawala yung sama ng tingin ko sa kanya at napa tungo namn.

Ano ba yan Sharlyn!!!

"Ano tutungo ka nalang!!!"sabi na namn neto na alam at alam kong galit na "Hindi mo ba alam na nagaalala na yung mga anak mo dahil dyan sa mga kinikilos mo" kalmado na ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon,kaya napatingin ako sa mga anak kong nakatingin sa amin ngayon.Ang lungkot ng mga mata nila at si bunso paiyak na.

Nakaramdam naman ako ng pagka-guilty,kung ano ano kasing naiisip ko simula ng makausap ako ni Blake....

FLASHBACK

"Sharlyn"tawag sa akin ni Blake kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.For almost 5 years ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya na ako ang tinatawag.

Hindi ko madescribe yung feeling para bang natuwa yung isang part ng puso mo habang yung isa hindi.

"Tsk... Sharlyn"tawag ulit nya sa pangalan ko,kaya pinahinahon ko muna ang sarili at humarap sa kanyang may ngiti take note .....PILIT NA NGITI.

"Why Mr.Smith?"tanong ko dito,kumunot namn ang noo nya ng makita ang ekspresyon ko at kalauna'y naging seryoso.

"Can we talk?"cold na tanong nya

"N-Naguusap na tayo"pilosopo kong sagot dito nag-igting namn ang panga nya sa sagot ko,ayaw nya talaga kapag pinipilosopo sya pero anong pake ko.

Wala ba talagang pake, Sharlyn?

Nagpakawala naman sya ng isang mabigat na buntong hininga na ang ibig sabihin ay nagtitimpi sya"I mean in private"

Nagtayuan ang balahibo ko sa may batok ng banggitin nya ang salitang private"ah di mo agad sinabi sakin e saan ba tayo maguusap? "

"In my condo"

Dun totally huminto yung pagtibok ng puso ko. Hindi ko maiwas iwas yung tingin ko sa kanya dahil may kung ano sa mga mata nya na nagsasabing...

Just refuse kung hindi mo kaya alam ko naman na hindi ka pa nakaka move on.

Yung parang ganun ba paranoid na kung paranoid pero yun yung pagkakaintindi ko sa mga mata nya.

"What do you think" dun lang ako nagkalakas ng loob para umiwas sa tingin nya.

"A-amm s-sige, hindi naman siguro ganun kahaba yung sasabihin mo sakin hindi ba? " hindi naman sya sumagot bagkos ay tinignan lang ako sa mga mata tinitignan kung seryoso ba ako dun sa sinabi ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now