CHAPTER 37

224 9 4
                                    

“Sharlyn, wake up. Hoy, Sharlyn gumising ka papatayin talaga ako ni pareng Blake. Naririnig mo ba ako Sharlyn!”
Dahan dahan kong minulat ang mga mata dahil sa ingay na naririnig ko. “Oh thank God, hindi ko ikamamatay ang sitwasyon na’to. Asawa ng babaeng ‘to ang papatay sa’kin. Buti naman at gising ka na,”

“V-vince?”

“Yes,it’s me.” Hindi ko pa maproseso ang mga nangyayari. Hindi ko rin magalaw ang kamay at mata ko. Masakit rin ang batok ko.

“Hindi ko magalaw yung kamay at paa ko,”

“Silly woman, syempre nakatali tayo.” Doon lang ako natauhan at naalala ang nangyari kanina. Malinaw ko na ring nakikita si Vince ngayon ay nakatali sa harapan ko. Namumula rin ang kanang pisngi niya na parang sinapak.

“Nakuha na nila tayo?”

“Ano pa nga...yung earpiece?” Inginuso ko ang bandang hita kung nasaan ko nilagay ang bagay na binigay sa’kin ni kuya Bailey. May maliit na pocket ang hita kong iyon. May sasabihin pa sana siya pero pabarag na bumukas ang pintuan na ikinalingon naming dalawa.

“Gising na pala ang bisita na’tin. Good evening,” may ngiti  o mas magandang sabihin na may nangiinis na ngisi ito sa mukha.

“Helena Castro ang anak sa labas ng nanay niyang higad.” Pagiinsulto ni Vince ng makalapit ito sa’min si Helena na may mga kasamang lalaki. Hindi yun pinansin ng babae at nilingon ang kinaroroonan ko.

“Sharlyn Mae Mendoza---or should I call you Bethany Serenity Chua.”

“Nasaan sina Mom?”

“Hindi ba nasa party sila? Celebrating your father’s birthday?” pagmamaang maangan nito.

“Alam mo kung sinong tinutukoy ko. Wala silang masamang ginawa sa inyo. Kahit kami ng ate walang masamang ginawa sa inyo, pero gusto niyo kaming mawala.”

“Alam mo kasi babaeng Chua, my Mom just want to get revenge. Kung hindi dahil sa tulong ng mga magulang niyo ng pinsan mo edi sana ang mama ko ang unang naging asawa ni Dad. Hindi e, pinagtulungan nila ang Mom.”

“Dahil in the first place tita Rrissa and tito Wren, your mom is the intruder.” Natamaan ko siguro ang ego ni Helena dahil pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay isang malakas na sampal ang lumapat sa kanang pisngi ko. Sa sobrang lakas nun ay tumagilid ang ulo ko at mabilis na namanhid ang pisngi ko. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ni Vince kaya bahagya ko siyang nilingon at nginitian para ipaalam na ayos lang ako.

“Tigilan mo yan, Helena. Dahil totoo naman ang sinabi ni Thany. Ang nanay mo ang siyang hadlang sa mga magulang ko. Ni hindi ka nga tunay na anak ng Dad ko dahil anak ka sa kalandian ng nanay mo---” hindi na natuloy ni Vince ang sasabihin ng bigyan siya ng mag-asawang sampal ni Helena.

“Beat him.” Sabi nito at lumabas ng hindi lumilingon. Para naman akong nanlambot ng simulan na ng mga lalaki ang pagpapahirap kay Vince. Wala akong magawa kung hindi ang sumigaw na itigil na nila ang ginagawa sa kaibigan ko at umiyak. Natumba ang upuan kung saan nakagapos si Vince at pinagsisisipa siya ng mga ito. Tumigil lang sila at umalis ng nagsimula ng sumuka ng dugo si Vince.

“Vince, wag kang mamatay. Sige ka mapupunta sa iba si Kendall.” Umiiyak kong sabi ng makitang hindi na gumagalaw si Vince. Sisipain ko pa sana siya ng nagsimula na naman siyang umubo.

“H-hanep ka r-rin, t-Tthany. Alam mo k-kung anong kinatatakutan k-ko.” Hirap nitong sabi.

“Ikaw kasi...bilisan mo na diyan at kalagan mo na ako.”

“Sandali lang naman, alam mo namang kakabugbog lang sa’kin.” Napairap nalang ako sa sinabi niya.

“Manahimik ka, alam kong walang talab sayo ang mg suntok at sipa kanina. Pasalamat ka nga at umarte pa ako, niligtas kita pakitandaan.”

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now