CHAPTER 13

358 7 0
                                    

*EHEM*

Napatingala ako sa taong nasa harapan namin at nahihiyang tumayo,binuhat ko na rin si Princess at nilagay naman nito ang mga braso sa leeg ko.

"O-oh,Bailey" nakakahiya kasi nakita ko na sya kanina pero hindi ko man lamang sya pinansin.

"Hi,Sharlyn" nakangiti nitong bati sakin kaya napangiti narin ako. Medyo na-bother lang ako dahil parang may iba sa mga mata nya ngayon, the first and last time I saw him ang lungkot-lungkot pa ng mga mata nya tapos ngayon kung makatingin pa sya parang nakakita sya ng multo lalo na sa buhat buhat ko. Sa kasama ko...k-kasama ko!!

Nataranta naman ako ng maalalang kasama ko ang anak ko,pero hindi ko magawag talikuran si Bailey dahil baka magtaka sya at saka hindi naman nya alam na anak ko si Prince---

"Anak mo? Ang cute naman,tiny version mo." Kailangan na naming umalis dito.

"I'm really glad to see you,Bailey. But I need to go---"

"Wait,Sharlyn" napahinto naman ako sa tangkang pagtalikod sa kanya,nakahawak ito sa batok nya at hindi makatingin sa akin. "Pwede ko bang...mabuhat sya?"

"H-huh?"

"I know it sounds...gay but I really love kids, at ilang taon na rin simula nang makabuhat ako ng bata and I really miss that kid" mahina lang ang pagkakabanggit nya sa huling salitang sinabi nya pero ramdam mo dun ang lungkot at...pangungulila. Bakit ba parang naaapektuhan ako sa nararamdaman nitong si Bailey? Nung nakaraang araw ko lang naman sya nakilala at yun nga yung time na muntikan na akong masagasaan,but when I look at his eyes and hear what his saying it as if I know him already.

Pinabuhat ko nalang sa kanya si Princess at mabuti nalang dahil hindi natakot si Princess sa katunayan nga,e, mukhang mas gusto nya pa si Bailey kaysa kay Kuya Ken,ayaw ng bumitaw kay Bailey,e.

Nalaman ko ring mag isa lang pala si Bailey kaya mas nahirapan akong iwan sya,ang bastos ko naman kung aalis agad kami. Kaya sa huli wala akong choice kung hindi ang imbitahin sya na sumama samin maglibot sa MOA ,tutal naman ayaw na syang bitawan ni Princess. Nung una hindi pa sya pumayag pero dahil sa pangungulit ng anak kong buhat buhat nya,wala syang nagawa. Ang tawag pa nga sa kanya,e, Tito-Daddy na siguradong ikakalungkot ni Kuya Ken.

At tama nga ang hinala ko dahil pagkarinig pa lang nya na tinawag ni Princess si Bailey ng Tito-Daddy halos matumba sya sa kinatatayuan nya,para namang nanalo sa lotto ang kaibigan kong baliw at nanlibre pa talaga. Pasalamat nalang talaga dahil naintindihan ni Kendall yung mga tingin ko sa kanya nung akma na syang magtatanong kung sino si Bailey. Hindi pa kasi alam ni Kuya Ken ang nangyari sakin pati rin yung kay Princess,at lalong hindi pwede malaman ng mga anak ko yung muntikan ko ng pagkakabangga dahil alam kong iiyak sila, and I don't want to see them crying because of me.

Buong maghapon kaming naglibot sa MOA at sumama narin si Kuya Ken,hindi nga sya umatend sa meeting na dapat nyang puntahan. Ramdam kong nag enjoy ang lahat kahit puro bangayan lang nila Kendall at Kuya Ken ang halos naririnig namin. Tapos nabilhan pa ng mga bagong laruan at libro ang tatlo nina Bailey at Kuya Ken,tignan ko nalang kung malungkot pa sila.

At nang sumapit ang gabi ay ikinuwento nga ni Princess sa amin kung anong dahilan nya bakit sya bigla tumakbo kanina. And you won't believe what she say to us...

"I saw the men who try to k-kidnapped me, they are three. I can't be wrong because they wearing the same clothes when they try to kidnapped me that day and also...the two of them have those tattoo, flower surrounded by cobra."

Natahimik kami ni Kendall at parehong nagiisip sa sinabi ni Princess. Hindi ko inaasahan na may nakamanman na pala sa mga galaw namin. I let my guard down because Im aware that my children are safe to me, hindi ko na nga pinasama si Kurt at pinagbakasyon sya. Then,malalaman ko...sa mismong anak ko pa na nandyan lang pala sila sa paligid.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now