CHAPTER 35

255 8 0
                                    

Days had passed at hindi pa rin namin nakukuha sina Mom. Nawawalan na ako minsan ng pag-asa but thank god dahil may mga tao sa tabi ko. Sinabi sa akin ni Blake na hindi hahayaan ni Emeralda na mamatay sina Mom dahil sila ang pain para makaganti kay ate Mar at para rin makuha sina Vince,  dahil alam na nito na konekto at mahalaga sina Mom kela Vince. Sa mga araw na yun nagplano kami ng mga hakbang para mapatumba na ng tuluyan si Emeralda. Kailangan namin maging maingat dahil hawak nila sina Mom. Isa lang pagkakataon namin dito kaya kailangang plakado at sigurado yung mga gagawin namin. At isa na sa plano naming yun ay mapanatiling ligtas sina Vince at ang mga bata. Kaya pupunta kami ngayon sa lugar na alam naming magiging ligtas sila.

“Anong sabi ni kuya Bailey?” tanong ko kay ate Mar.Siya kasi ang nakipagusap kay kuya Bailey.

“Nakahanda na sila,”

Hindi ko mapigilang kabahan at matuwa sa mga maaaring mangyari ngayong araw. Matagal ding walang balita sa mga magulang ko simula ng mawala kami. Si tito Sam ang nagpatuloy ng business at si kuya Bailey naman ang sa amin, habang ang mga magulang ko ay hindi na nagpakita na pati media walang balita. So wonder, kung ayos lang ba sila? May sakit ba sila kaya hindi na sila nagpapakita? Marami akong mga tanong na ngayon masasagot.

“Mommy, makikita po namin ang grandparent namin? “ tanong ni Princess.

“Yes,baby. Sina lola at lolo niyo ay hinding true parents ni Mommy at tita Shane niyo, pero kahit ganun lola’t lolo niyo pa rin sila. So don’t worry, madadagdagan lang ang grandparents niyo, okay?”
Paliwanag ko sa kanya. Cute naman siyang tumango at ngumiti ng napakatamis. I can’t help but to pinch her cheek because of her cuteness.

“Daddy si Mommy o!” sumbong nito sa ama niya dahil  sa ginawa ko.

“Wife, stop that,”

“I can’t help it, hub. Ang cute cute kaya ng prinsesa na’tin,”

“Well, your right,”

“Daddy!” natawa nalang kami dahil pinalobo niya ang pisngi at binigyan kami ng nakakamatay na tingin, na sa paningin ko ay cute. Ng humupa ang tawanan ay may naalala akong itanong kay ate Mar.

“Nga pala ate Mar, paano mo napapayag si kuya Bailey na kausapin siya kasama sina Mom?”

“Alam ko kung nasaan ang pamangkin at anak nila,”

“Ahhh…”

Naging masaya naman ang naging byahe namin papuntang mansyon ng pamilya ko dahil napagdiskitahan naming lahat ang aming prinsesa. Even Blake joined us kaya yung isa pikon na pikon at tinigilan lang namin nung mukhang iiyak na.

Wala pa ring pinagbago ang mansyon namin. Hindi naman sa pagmamalaki pero mansyon talagang matatawag yung bahay namin dahil ito yung panagarap nila Mom para sa’min. Naalala ko pa noon, tinanong ko sila kung bakit hindi normal na bahay lang yung bahay namin katulad ng ibang mayaman. Ang sabi ni Mom gusto niya talaga ng mansyon para sa magiging apo niya. Yes, para sa magiging apo nila. Isa rin sa mga dahilan ay hindi kami nakakalabas ng basta basta kasi sa status ng buhay namin. Kaya dinala na nila yung mga kailangan namin dito para kahit papaano ay hindi kami mabagot. Sa sobrang lawak kasi nito may golf field, baseball field, basketball court, swimming pool, playground, may malaking tree house din kami na hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nandito pa.

“Thany, let’s go?”

“Mmm,”

Sa tapat kami ng main door huminto kaya agad kaming inassist ng mga katulong ng kami ay matapat sa pintuan. “Let’s get inside,”

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now