CHAPTER 21

347 8 2
                                    

A/N: Sorry for the late update, guys. Enjoy Reading!!

Sharlyn’s POV

 

“Matagal pa ba bago tayo makarating dun?” I curiously ask, they just shrugged they’re shoulder and give me a suspicious smile. Napabuntong-hininga nalang ako at minabuti ng wag silang tanungin.

Wala talaga akong kaalam alam kung saan kami pupunta dahil nga wala silang sinabi sakin. Nilingon ko si Kendall na simula pa ng byahe e mukhang may tama, lilingon sya sakin tapos bubungisngis nalang bigla. Tatanungin ko sya kung anong problema pero ngiti at iling lang ang isasagot nya.

Kagabi rin nagising kasi ako ng hating gabi at bumaba para kumuha ng tubig. Halos atakihin ako sa puso kasi naabutan ko sya sa may sala parang baliw na ngingisi-ngisi habang nagta-type sa cellphone nya take note may binubulong bulong pa sya na hindi ko marinig. My God! Halos hindi na ako makatulog pagkatapos nun.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa mga tao sa paligid ko.

Nakatulog sa byahe at saktong paggising ko ay nasa harapan na kami ng beach na sinasasbi nina Mom. Nasa sasakyan palang ay kita ko na ang ganda ng dagat, talagang alagang-alaga.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad nagsibabaan sina Princess at Jhon.

“Look, Mommy the sand is white!” magiliw na sambit ni Princess, tinuturo nya pa yung buhangin at tumatalon talon. Natawa nalang kami at isa isang bumaba, nakita ko ring nagsibabaan ang mga bodyguard na sinama nina Mom para sa safety ng mga bata at para na rin hindi ako kabahan habang nandito kami. Si Kurt pinag-day off ni Mom, para naman daw makapagpahinga kahit ilang araw lang, hindi naman ako humindi dahil tama naman si Mom at saka wala na si Kurt nung sinabi nya yun sakin kaya wala talaga akong kontra.

Agad na may nag-assist samin at ginuide kami kung saan kami mage-stay. It’s a VIP suite dahil yun ang gusto nina Mom, hindi ko naman mapigilang humanga sa ganda ng lugar habang naglalakad kami. May mga foreinger pa akong nakita na mukhang dumayo lang dito para makita ang ganito kagandang lugar.

Ng maihatid kami nung babae ay nagbigay pa ito ng mga kung ano-ano, like map, yung mga pwedeng puntahan sa lugar na ‘to, rides and etc. House style yung tutuluyan namin at bawat isa samin ay may kwarto, kahit ang mga bata, sasabihin ko na sanang sakin matutulog sina Brayle ng maunahan na’ko ni Mom.

“Is that okay to you, Sharlyn?”

 

“Yes,” may magagawa pa ba ako e mas malaki yung kwarto nyo ni Dad. 

Kinuha lang namin ang mga bag na dala at nagsipuntahan na sa kwarto. Magkatabi lang kami ng kwarto ni Kendall habang sina Mom ay nasa baba. Agad kong inayos ang mga damit sa cabinet pagkatapos ay naligo at humiga sa kama.

“Hay,salamat nakahiga narin.” Kanina ko pa talagang humiga dahil nga puyat na puyat ako kagabi dahil kay Kendall, humanda talaga sakin ang babaing yun talagang gagantihan ko sya.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at handa ng matulog ng may kumatok sa pintuan ko.

“Beshie, kakain na tayo!” sigaw ni Kendall at patuloy pa rin sa pagkatok.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now