CHAPTER 16

336 5 0
                                    

 Sharlyn’s POV

"The operation was successful…pero dahil sa dami ng sugat na natamo ng bata maraming dugo ang nawala. I'm sorry,Ma’am but unfortunately the hospital ran out of blood type O,na blood type ng anak nyo, so you need to find a donor as soon as possible. Dahil may posibilidad na hindi kayanin ng katawan ng bata."

“Beshie,kailangan mong kumain. Kanina ka pa hindi kumakain,anong oras na,oh. It’s already 12 am for god sake!”

 

“Kumain na ba ang mga bata?” tanong ko sa kanya at sinulyapan sina Jhon at Princess na nakahiga sa sofa at mahimbing ang mga tulog.

“Oo,” sagot nya, ibinalik ko naman na ulit ang atensyon kay Brayle na ngayon ay nakahiga at puno ng apparatus sa katawan na nasa harapan ko. Hindi ko napigilang maging emosyunal na naman dahil sa nakikita ko ngayon.

“Beshie, naman e” mabilis na lumapit sa akin si Kendall at niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik at ibinaon ang mukha sa tyan para hindi makalikha ng ingay ang pag-iyak ko.

Habang hinihintay namin kanina matapos ang operasyon ay ikinuwento sa akin ni Kendall ang lahat.

Hindi lang basta-basta nasagasaan si Brayle ayon sa kanya dahil…may tumulak dito. Gusto nya kasing makita ang mga bata para na rin kamustahin pero iyon ang nasaksihan nya paghinto ng sasakyan nya sa harapan ng school.

Agad syang bumababa ng sasakyan nya at pinuntahan si Brayle na duguang nakahiga sa kalsada,hindi ko napigilang umiyak habang ikinukwento iyon sa akin ni Kendall. Tumawag kaagad ng ambulance ang mga taong nakakita at isinugod sa ospital si Brayle.

Sa kanya ko rin nalaman na kaya wala si Kurt nung pumunta ako dito ay dahil hinabol nila,kasama si Bailey, yung lalaking tumulak sa anak ko. At ngayon ay hawak na ng mga pulisya yung taong iyon ang problema lang ay hindi ito sumasagot sa mga tanong sa kanya ng pulis.

Gustuhin ko mang pumunta sa prisinto at saktan ang lalaking iyon ay hindi ko magawa dahil na rin kay Kendall. Hindi nya inaalis ang paningin sa akin dahil alam nyang sa mga oras na ito kaya kong maging masamang tao maipaghiganti ko lang ang anak ko.

Sila Kurt at Bailey ang bahala dun sa lalaki kaya wag na daw akong pumunta ayon na rin kay Kendall. Buti nalang din talaga at hindi ko na kailangang pumunta dun kahit gustong-gusto ko rin, hindi ko kasi alam ang magagawa sa lalaking yun once na makita ko sya.

Nang tumigil na ako sa pag-iyak ay humiwalay na rin ako kay Kendall, humila naman sya ng upuan at ipinuwesto iyon sa tabi ko para maupo. Tahimik lang kaming nakatingin kay Brayle ng basagin ko ang katahimikan.

“Ano nga palang sinabi nila Dexter?”

 

“Nagtanong lang naman sila kung anak mo nga ba sina Jhon at Princess,sinabi ko naman oo wala rin namang dahilan para i-deny ko dahil nakita na nila.”

 

“Ganun ba…”

 

“Sinabi ko rin sa kanila na sana wag muna silang magtanong kung paano at kailan kasi nga alam kong hindi mo rin sasagutin ang mga tanong nila, at naiintindihan naman nila.”

 

“Thank you,Kendall.” Hindi ko kasi alam ang sasabihin at gagawin kela Dexter kung nagkataong wala si Kendall.

“Welcome…sorry nga rin pala sa sinabi ko sayo that day, dapat hindi muna ako nago-overreact at pinaniwalaan yung mga sinabi mo.” Taka akong napalingon sa kanya at nalilito sa sinabi.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now