CHAPTER 12

419 7 0
                                    

Sharlyn's POV

"Siguro sapat na itong binili ko para mabusog ang isang yun nu?"  napatingin ako sa magkabilang gilid ko. Dalawang plastic na Jollibee ang binili ko alam ko kasing kukulangin pa kay Kendall ang isa at para narin sa mga bata. Buti nalang talaga at hindi ako ganung nagtagal sa loob. Aba'y napakalamig kaya...

Nagsimula na akong tumawid papunta sa kabilang kanto dahil doon naka park ang sasakyan ko nang may napakabilis na sasakyan ang papunta sa gawi ko.

Hindi naman ako kaagad nakakilos at parang naestatwa sa kinatatayuan ko, I close my eyes and wait for the car to hit me. Pero isang malaking palad ang humatak sa braso ko dahilan ng pagkahulog ng mga dala ko. Ramdam ko rin na gumulong kami habang hawak hawak ng kung sino yung ulo ko.

“Miss,are you okay?” I slowly open my eyes and the first thing I see is a pair of deep-dark brown eyes,that can make you cry. Makapag-papaiyak sayo hindi dahil sa takot kundi sa lungkot at pangungulila na nararamdaman ng nagmamay-ari ng mga matang iyon. “Miss,are you okay? May masakit ba sayo?”

“A-ah…y-yes, I’m okay” mukhang nakahinga naman ito sa sagot kong yun at tinanaw yung kotse na sasagasa sana sakin, na parang walang nangyari kasi hindi manlang huminto para manghingi ng sorry sakin. Hindi ko man gustong isipin pero pakiramdam ko…sasagasaan talaga ako nung kotse. I’m in the pedestrian line,but still he/she didn’t stop when I’m about to cross.

Nahihiyang tumayo ako dahil halos lahat ng tao ay nakatingin na samin. Lilingunin ko na sana yung tumulong sakin nang may tumawag sa pangalan ko.

“Ate Sharlyn!!”

Hindi ko pa man lingunin kung sino yun, kilala ko na kung kanino ang boses na yun. At tama nga ako ng hula nang makalapit ito sakin.

“Keifer,anong ginagawa mo dito?” hindi ito nag-abalang sagutin ang tanong ko dahil tinadtad nya na ako ng tanong.

“Ayos ka lang ba?Nakita ko ang lahat,muntikan ka ng masagasaan dahil dun sa black na Porsche. Baka may sugat ka, tara pumunta na tayo sa ospital. Hindi rin natin alam, baka may bali ka na. Ano, sumagot ka ate Sharlyn? Lagot talaga sakin ang driver---”

“Keifer,ayos lang ako. Walang bali, sugat at walang dadalhin sa ospital. I’m perfectly fine,so just relax and stop worrying about me.”

“Pero---”

“I thought you see everything?”

“Mmm,simula nung papatawid ka--"

“So, nakita mo rin na may nagligtas sakin, hindi ba?” mukhang nakuha nya na ang gusto kong iparating dahil natahimik sya, “Alam kong nag aalala ka lang para sakin, thank you Keifer. Okay lang…talaga…ako”  hindi pala ako okay.

Anong ginagawa nila dito?

Kasunod ni Keifer sina Vince, Ate Shane at… Blake.

Agad na dumapo ang mga tingin ko sa mga kamay ni Ate Shane na nakalingkis sa braso ni Blake. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Hindi ko man nagustuhan ang nakita ko pero mas hindi ko nagugustuhan yung nararamdaman ko.

“Ate Sharlyn?” napatingin ako kay Keifer ng tawagin nya ako at binigyan sya ng nagtatanong na tingin. “Are you sure na ayaw mo talagang dalhin sa ospital?” hindi ko napigilang mapangiti dahil sa concern sakin ni Keifer. He never changed,he always care for me.

I put my two hands in his shoulder and then pinch his right cheek then gave him my assurance smile.

Dun ko lang rin naalala si Mr.Deep-dark Eyes, agad akong napabitaw kay Keifer at tumingin sa likod ko. Naglalakad na ito at parang walang nangyari,pero kahit anong tago nya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang hindi nya maayos na paglalakad at sugat sa may siko nya.

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now