CHAPTER 18

349 5 0
                                    

Sharlyn's POV

Bakit ba kapag hindi mo gustong makita, dun naman sila sulpot ng sulpot? Tapos paghinahanap-hanap mo naman sila saka sila hindi magpapakita?

"Hi, Ate Sharlyn," awkward akong napangiti kay Keifer ng bumati ito sa'kin at tinanguan naman sina Dexter at Vince. Pareho ng ibang bisita ay naka-formal attire ang mga ito. Habang yung dalawang tao na kasama nila ay hindi ko tinapunan ng tingin, nakikita ko sa gilid na nakapulupot ang kamay ng ate ko sa kanang braso ni Blake na ikinailang ko. Oo, expect ko na sina Dexter na pupunta dito pero si ate Shane...

"Ang ganda mo naman, Sharlyn." Compliment sa'kin ni Dexter, mas lalo naman akong nailang pero nagpasalamat pa rin. Simpleng red dress lang kasi yung sinuot ko at si Kendall na ang nagmake-up sa'kin. Hindi ko pa alam kung bagay ba sa'kin kasi nawalan na ako ng time tumingin sa salamin before umalis kasi malayo itong pinagdausan ng party sa bahay.

"You too, you look handsome on your suite," napakamot naman ito ng batok at mukhang nahiya sa sinabi ko.

"Tsk," napalingon ako kay Blake ng suminghal ito at agad sumalubong sa'kin ang matatalim nitong tingin na hindi ko kung anong dahilan. Agad namang naputol ang pagtatama ng tingin namin ng hilahin paharap sa kanya ang ni Blake sabay ngiti sa'kin ng nakakaasar, agad naman akong napaiwas ng tingin at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdaman ako ng pagsakit sa may bandang dibdib.

"Tara, nandoon banda yung pwesto natin. And, Sharlyn why don't join us?" hindi naman ako makapaniwalang napatingin kay Dexter ng yayain nya ako. Is he serious?

"Aahh---"

"Oo, nga Ate Sharlyn...please" paghihinto ni Keifer sa'kin at hinawakan nya pa talaga ag kamay ko at ginalaw-galaw iyon na parang batang humihingi ng candy sa nanay nya. Hindi ko naman magawang tignan sya dahil siguradong mapapapayag na lang ako ng walang kaalam-alam, ganun kagrabe ang lakas sa'kin ni Keifer.

Hindi ba nila alam na ang awkward? At saka baka hindi ko kayanin...lalo pa na nandyan sila.

"Sharlyn?" pagtatawag sa'kin ni Dexter na mukhang naghihintay sa isasagot ko, nilingon ko naman si Vince para manghingi ng tulong pero ang loko nginisihan pa ako at parang sinasabi sa'kin na pumayag nalang, binigyan ko naman sya ng nakakamatay na tingin bago nilingon sina Dexter.

"A-alam nyo kas---"

"SHARLYN!" Thank god, you save me.

Pagkalapit ni Bailey ay agad akong kumapit sa braso nya at nginitian sina Dexter. "Sorry, hindi ako makakasama sa inyo may pag-uusapan kasi kami nitong si Bailey." Pagsisinungaling ko, I'm really sorry guys I just need to save myself.

"Huh?" pasimple ko namang siniko si Bailey ng iyon ang i-react nya at binigyan sya ng makahulugang ngiti. Mukha namang na-gets nya, "A-ah...oo, may pag-uusapan nga kami ni Sharlyn. So, if you excuse us?"

Kinawayan ko nalang sina Dexter na mukhang nalungkot habang si Vince naman ay nakangising umiiling iling na nakatingin kay Blake kaya napatingin rin ako sa kanya, pero halos mahigit ko ang hininga ng sobrang sama talaga ng tingin nya sa direksyon namin pagkatapos ay bumaba pa ang tingin nya sa braso kong nakakapit kay Bailey.

Naputol lang ang tingin ko sa kanila ng magtanong sa'kin si Bailey. "Are you okay?"

"Oo naman, sorry nga pala kasi pinagsinungaling pa kita." Nahihiya kong sabi sa kanya. Tumawa naman ito at para bang biro yung sinabi ko.

"Ano ka ba,It's okay,"

HE WANTS ME BACKWhere stories live. Discover now