Kabanata IX

180 21 0
                                    

SI TIYA Fely ang nakasagot ng telepono, kaagad akong nakadama ng pangungulila.

"Tiya Fely?" bungad ko.

"Anak?" tugon niya. "Ikaw ba ito, Fer?"

"Opo. Kumusta na po kayo?"

"Maayos kami rito. Ikaw?"

"Maayos na po ang lahat dito."

"Ma? Aalis na po tayo, hindi puwedeng ma-late si Ningning." Narinig ko ang boses ni Felice. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin kaya hindi ko siya tinatawag na "ate".

"May pupuntahan po kayo?" usisa ko.

"Oo. Graduation ni Ningning. Valedictorian ang best friend mo. Hindi ba niya nabanggit?"

"Ngayon lang po ako nakatawag."

"Mama? Male-late na po tayo, walang kasama si Ningning." Muling nagsalita si Felice.

"Naku, mahuhuli na kami. Pasensya na. Kailangan ko na itong ibaba."

"Sige po. Tatawag na lang po ako ulit sa ibang araw."

HINAMPAS ako ni Pael. "Kanina ka pa nakatulala."

"Nariyan ka pala," matamlay kong sabi.

"Anong problema?"

"Graduation ni Ningning. Kanina ko lang nalaman kasi kanina ko lang siya natawagan mula noong bumalik ako rito."

"Talaga?"

"Oo. Nagtatampo na siguro 'yon."

"Naku. Ikaw kasi, puro si Cyn na lang nasa isip mo."

Hindi ako nakasagot. Totoong saglit akong nakalimot.

"Tara!"

"Tara?"

"Puntahan natin si Ning!"

"Wala akong pera, Pael."

"Buksan natin alkansya ko!"

"Seryoso ka? Paano si Cita?"

"May pera iyon na naitatabi. Ikaw lang naman wala."

Nagtawanan kami.

"Kinailangan kasi ng anak ni Kuya."

"Basta! Halika na. Puntahan na natin si Cyn para makaalis na tayo."

"Huli na kaya tayo. Malayo kaya iyon."

"Kahit na. Mabati lang natin ng personal."

"Mahal mo talaga si Ningning."

"Matagal na. Bilisan na natin."

NAGING maayos naman ang pagpunta namin. Hindi naman nagtatampo si Ningning. Nagkausap pa nga kami nang kaming dalawa lang bago ako umuwi kasama sina Cita. Mga tatlong araw din kami nanatili roon.

"Bakit kaya hindi pa sumabay si Ning?" tanong ni Pael.

"May aayusin pa kasi para sa pag-aaral niya," sagot ni Cita.

"Gusto mo kasama mo palagi pero hindi mo naman kinakausap masyado," pang-aasar ko sa kanya.

"Nahihiya kasi ako."

"Hindi naman niya alam na alam mong sinabi ko sa kanya, e."

"Basta."

"Ligawan mo na kaya," sabat muli ni Cita. "Maganda si Ning, matalino pa. Baka maunahan ka."

"Bawal pa siya magkaroon ng kasintahan," paliwanag ni Pael.

"Ipaalam mo lang na nariyan ka para sa kanya bago pa mahuli ang lahat," pilit ni Cita sa kanya.

CynthiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon