Kabanata XXXII

157 12 0
                                    

PINIPILIT pa rin ako ni Nanay Luz, ang nag-aalaga noon kay Inay.

"Hapon na," sabi niya, "pati mga tagasilbi ay nakakain na."

"Mamaya na ho. Sige na, Nanay, maganda naman ho kayo," paglalambing ko sa kanya.

"Naku," napangiti siya, "ganiyan din ang sinasabi ni Esperanza 'pag ayaw kumain."

"Fer, h'wag mo na siya isipin. 'Di lang talaga kayo para sa isa't isa."

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko na ho alam, Nanay."

"Sir," tawag ni Ester."Sina Ma'am Lia ho."

Napalingon ako. Naroon si Lia at ang isang babeng hindi ko kilala.

"I'm Angel," pakilala sa aking ng kasama ni Lia.

Tumango ako. "Umupo kayo."

"Gusto ko pag-usapan natin ang tungkol sa inyo," aniya.

"Hindi pa po ako handa." sagot ko.

"Anong hindi handa?" Tila nairita siya agad. "You know what? Naaalala ko sa 'yo ang ex ko. Parehas kayong duwag."

"Duwag? Siguro nga. Pero alam mo kung saan ako naduduwag? Iyong sabihin sa kanya ang totoo, na hindi ko na siya mahal."

"How dare you?" Tumayo siya. "Sobra mo na siyang nasasaktan!"

"Angeline?" Nagtinginan kami kay Ate Maria. "Bakit ka narito?"

"Excuse me? Do I know you?" Mataray ang tono niya.

Binalingan ako ni Ate, lumuluha siya. "Si Angeline!"

"Wait!" sigaw ni Yin. "Ano bang problema mo sa akin, Miss?"

"Ate Maria," sambit ko. "Bakit nagkakaganiyan ka?"

"Siya si Angeline! Sigurado ako. Katabi ako ni Roberto, bilang isang kaibigan, habang sinusunog ang mga larawan nilang dalawa."

"Roberto? Kilala mo si Roberto?" Nagtatakang tanong ni Yin.

Napaisip ako. Bigla akong may naalala...

"Cita ang tawag ko sa kanya. Bulol kasi ako dati, hindi ko mabigkas ang Cynthia."

"'Angel' ang tawag ng lahat sa kanya pero 'Yin' ang tawag ko sa kanya. Pinabibigkas kasi niya sa akin 'yong pangalan niya noon pero, kagaya mo, hirap ako magsalita nang maayos."

"Ikaw si Angeline?" Hinarap ko siya. "Paano mo nagawang pagmukhaing masama ang kapatid ko kay Lia?"

"Pagmukhaing masama? Bakit? Santo ba ang kapatid mo? Iniwan niya ako pagkatapos siya bayaran ni Papa. 'Di nga ako naniwala, e, pinuntahan ko siya sa inyo. Pero sa malayo pa lang ay natanaw ko siyang masaya kasama ang iba. Ngayon mo sabihing 'di siya manggagamit!"

"Wala kang alam sa mga nangyari!"

"Of course not! Alam na alam ko ang mga nangyari!"

"Namatay si Kuya dahil sa 'yo!"

"He's dead? " Bumaba ang tinig niya.

"Pinatay ng ama mo ang kapatid ko."

"That's not true! Hindi magagawa ni Papa na pumatay ng tao!"

"Sa harap ko pinatay ang kapatid ko!"

"Ate..." Nanginginig na sambit ni Lia. "S-si Tito—"

"Hindi! Wala silang katibayan!"

"Mapapatunayan ito ng dalawang tauhan ng ama mo noon na inutusan niyang iabot sa amin ang kabayaran niya sa buhay ni Kuya."

PAPUNTA kami ngayon sa mga dating tauhan ng ama ni Yin. Nasa likod sila ng sasakyan habang katabi ko ang tagapagmaneho.

CynthiaWhere stories live. Discover now