Kabanata XIX

173 13 0
                                    

HALOS kalahating taon na simula noong hiwalayan ko si Cita. Hindi na niya ako ginugulo. Hindi na rin niya ako tinatawagan.

Hindi na ako pinipilit ng mga kaibigan ko na balikan si Cita. Alam na rin ni Ningning ang lahat at hindi na niya ako tinutulan pa.

Unti-unti nang lumalalim ang pagmamahal ko kay Lia.

Nasa Tarlac kami ngayon. Ilang araw na kaming narito. Sa wakas ay nakilala ko na ang ama ni Lia, si Calixto Alcantara. Mabait siya at hindi siya katulad ng ibang mayayaman na nakilala ko, lalung-lalong hindi siya kagaya ng ama ni Angeline. Kahit alam niya kung ano ang pinagmulan ko ay naging mabuti pa rin ang pakikitungo niya sa akin.

Dito na ako magpa-Pasko at pinag-iisipan ko rin kung dito ko na ba sasalubungin ang pagpasok ng panibagong taon.

"Fernan?" Narinig ko na may tumawag sa akin mula sa labas ng pintuan ng tinutulugan kong silid. Agad kong binuksan ag pinto. Nagulat ako sa aking nakita.

"Pasok po kayo," magalang kong sabi sa ama ni Lia.

"Naku, hindi na, Anak. Dumaan lang ako saglit para sabihin sa iyo na magkakaroon ng munting salu-salo rito sa bagong taon. Kaarawan ko sa araw na iyon. Gusto ko sanang narito ka. Kung maaari sana. Pero, kung hindi naman ay mauunawaan ko."

Nakakatuwa na sa kabila ng katayuan niya sa buhay ay ganito siya kung makitungo sa akin.

"Sige po, wala pong problema. Sabay na lang po kami babalik ni Lia sa Quezon."

"Salamat, Anak. Gusto pa sana kitang makilala pero may aasikasuhin ako sa ibang bansa. Sa unang araw pa ng Enero ako babalik."

Ang sarap pakinggan na "anak" ang tawag niya sa akin. Naisip ko tuloy si Kuya. Paano kaya kung naging ganito kabuti ang ama ni Angeline?

Sasagot sana ako nang biglang narinig namin ang tawag sa kanya ng katiwala ng bahay na si Manang Aida. Naroon na raw iyong Don Fernando.

Nagpaalam siya sa akin.

---

"Sabi akin ni Lola noong bata pa ako," kuwento ni Lia, "kung sino raw ang mga taong kasama mo sa pagsalubong ng bagong taon, sila rin daw ang mga taong mananatili sa tabi mo buong taon."

"Tama ang lola mo, mananatili sa tabi mo ang mga taong iyon... lalo na 'yong katabi mo."

"Totoo?" nakangiting tanong niya.

"Totoong-totoo," sagot ko. "At hindi lang sa buong taon na ito dahil kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi ako mawawala sa tabi mo."

"Ikaw?" nagulat kami nang lumapit ang matandang lalaki na bisita ng ama ni Lia. Sa porma ng lalaking ito ay mukhang isa siya sa mga kaibigang negosyante o kasosyo ng ama ni Lia.

Pareho kami ni Lia na hindi nakapagsalita.

"P-pasenya na. Nagkamali lang ako. Ako nga pala si Fernando Marticio." Pamilyar ang pangalan niya pero hindi ko na ito pinansin. Nasisiguro ko namang hindi pa kami nagkakilala kahit kailan.

Inabot ko ang kamay niya na unang umabot sa aking kamay. May kakaiba akong naramdaman. May kakaiba sa matandang kaharap ko. Bigla akong nangulila sa akin ama. "Ako ho si Fernan, Fernan Francisco."

"F-Fran... Francisco?" nagtatakang tanong niya.

"Bakit ho?" nagtatakang tanong ni Lia sa kanya.

"W-wala naman. Siya ba ang kasintahan mo, Lia?"

"Opo, siya nga ho."

Bumaling sa akin ang bagong kakilala. "Natutuwa akong makilala ka."

MASAKIT ang buong katawan ko.

CynthiaWhere stories live. Discover now