"Juliet?!"

Kapwa kami napalingon ni Estefanio sa taas ng hagdanan. Nabuhay ang diwa ko nang makitang pababa si Eda kasama si Goldia.

"Juliet, nandito ka. A-anong ginagawa mo dito?" ani Eda nang tuluyang makalapit sa akin at yakapin ako.

"Nako, paano ka na naman nakapasok dito!? May sa engkanto ka talaga yata," singhal ni Goldia. Hindi naman siya galit bagama't mukhang problemado na naman dahil sa ginawa ko.

Agad akong napayakap kay Eda. "Maayos na ba ang lagay mo? Nag-alala ako sa'yo," sabi ko nang kumalas na sa yakap niya.

Hindi pa man nakakasagot si Eda nang manglaki ang mga mata ko matapos akong biglang hilain ni Estefanio palayo kina Eda. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at iginayak papasok sa loob ng isang banyo malapit kung saan kami nakatayo kanina. Pilit akong kumakalas sa kaniya subalit hindi ko magawa. Dahil sa taranta, nakagat ko na lamang siya sa kamay.

"Ouch!" asik niya at marahang inilayo sa akin ang kamay niya dahilan para makakalas ako sa kaniya. Lalabas na sana ako nang muli niya akong hilahin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at tuluyang natulala nang mapagtanto kong yakap-yakapan na ako ni Estefanio mula sa likuran. Isinilid niya ang katawan ko sa mga kamay niya para hindi ako makaalis.

"A-anong g-ginagawa m—" Kusa akong natigilan sa pagsasalita nang marinig ang nasa labas.

"Have you seen Estefanio? Where is he?" Boses iyon ni Mrs. Del Carpio. Nanlaki ang mga mata ko at na-realize kong bakit ginawa ito ni Estefanio.

"Pardon, I have to do that so Mom won't see you," ani ni Estefanio saka ako dahan-dahang binitawan.

Ilang segundo akong naistatwa sa kinatatayuan ko saka siya nilingon. Dahan-dahan na lang akong napapikit at bumuntong hininga. "Thank you," sambit ko. Nginitian niya ako at saka tumango.

"A-ah, sorry Madam pero hindi ko po nakita si Estefanio. B-baka bumaba po sa elevator," narinig kong sagot ni Goldia. Sila lang ang nasa pasilyo ng palapag na ito kaya't dinig na dinig ang mga boses nila.

"I thought he's just here. Where would he go? Tss. What an unruly kid," narinig naming asik ni Mrs. Del Carpio.

Nanatili ang tingin ko kay Estefanio. Magkaharap kami subalit nakatuon ang atensiyon niya sa pag-uusap nina Mrs. Del Carpio at Goldia. Iginawi ko sa kaliwa ang tingin ko kung nasaan ang ang kita ko ang repleksiyon namin ni Estefanio mula sa malaking salamin ng banyo.

"Ah, baka naglibot-libot lang po. N-nagpahangin. You know ang daming problema. He need to think too," rinig naming saad ni Goldia.

"Hmm, who is this?" si Mrs. Del Carpio iyon.

"A-ah, a-ano po." Halata ang pagagaralgal sa boses ni Mrs. Del Carpio. "Staff lang po 'to dito sa hotel ko. Inuutusan ko lang linisin 'yung ibang floors," tuluyang sagot ni Goldia. Si Eda ang tinutukoy nila. Mabuti na lang kung hindi alam ni Mrs. Del Carpio na may kaugnayan sa akin si Eda.

"Oh. Kindly include our rooms too. I want my room's motif to change. Why not make it much elegant? Change those red designs into gold and black,"saad pa ni Mrs. Del Carpio.

Nakarinig kami nang nagmamadaling yabag papalapit sa kanila. "Sir, may nakapasok po!" humihingal na saad ng isang lalaki. Nagitla ako nang maisip na mga guards iyong dumating.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon