Nababahala,
G.

Bagama't nanginginig ay nagawa kong basahin ito. Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko matapos mabasa ang nagpadala ng mensahe.


"Huhuhu,ang dami ko palang hawak na alas sa inyo. Bakit hindi na lang kayo ang sumuko?"


Tanging si Gwendelyn lang ang nakakaalam nang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Lolita noon. Tanging siya lang ang may kakayahang gawin ang bagay na ito para pahirapan kami ni Eda...

"Ano?! Itatanggi mo pa?! I was very wrong to trust someone like you! Ano pa nga bang aasahan ko? After all, isa ka pa ring opotunistang Pilipina!" bira sa akin ni Mrs. Del Carpio.

Wala akong nagawa kundi umiyak sa sarili kong mga tuhod. Wala na akong pakialam sa iniisip ng mga taong nakalaligid sa amin ngayon. Hindi ko na kaya ang labis na sakit na nararamdaman ko.

"I already called Lolita. Siya mismo ang nagpatotoo ng lahat ng nakasulat sa papel na 'yan! Pare-pareho kayo! You are all gold-diggers that stick to people like us!" litahe pa niya sa akin.

Sinabi ko kanina sa sarili ko na handa akong tanggapin ang mga sasabihin niya pero hindi ko inasahang ganito kasakit ang mararamdaman ko.

"Madam! Tigilan niyo na po siya."

Bahagya akong napalingon nang biglang dumating sina Goldia at Doc Filipo sa harapan namin. Mabilis na lumapit sa akin si Doc Filipo at pilit akong tinulungan para makatayo.

"Ikaw Goldia!" sigaw ni Mrs. Del Carpio. "I told you na sa oras na makita mo 'tong babaeng 'to, agad mong dalhin sa'kin. I never thought na kaya mo rin akong suwayin!"

"Maayos pa ba ang pakiramdam mo?" mahinang tanong sa akin ni Doc Filipo. Hindi ako makasagot sa kaniya.

"Madam! I know. H-hindi ko naman 'yan pinapasok... Don't worry, n-ngayong nakita mo na siya. Paalisin na namin," tugon ni Goldia kay Mrs. Del Carpio. Napalingon siya sa akin at binigyan ako ng nag-aalangang tingin.

Lumingon din sa akin si Mrs. Del Carpio kaya't natigilan si Goldia. "For you to know..." mariing sambit nito sa akin at saka ako dinuro. Pilit pa siyang pinipigilan ni Doc Filipo pero hindi siya nito pinansin. "You are no longer Estefanio's assistant! You are fired!"

Kusa akong napatakbo at isinubsub muli ang sarili ko sa paanan ni Mrs. Del Carpio. Lumuhod ako. Umiyak ako. Pilit akong nagmamakaawa sa kaniya.

"Ma'am... please... w-we do not have other means of earning... M-mrs. Del Carpio...please!"

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak pero ayokong mawala sa trabahong ito. Ayokong mawala ang kaisa-isang dahilan kung bakit nakakasama ko si Estefanio. Ayokong pati ang bagay na ito, mawala sa akin...

Muli sana akong sisipain ni Mrs. Del Carpio ngunit agad akong iniangat ni Doc Filipo. Mariin naman siyang pinigilan ni Goldia. Humahagulhol na ako sa pagmamakaawa sa kaniya.

"My decision is final! Lumayas ka na sa buhay namin nina Estefanio! Leave. Us. Alone!" Pilit na kumakawala si Mrs. Del Carpio kay Goldia upang muli akong saktan.

"Madam, enough. Kami na ang bahalang magpalayas sa kaniya."

Wala akong nagawa nang hilahin na ako ni Doc Filipo at ni Goldia palabas. Tinignan pa ako nang masama ni Mrs. Del Carpio bago pinulot ang papel na itinapon niya kanina sa akin. Inayos niya ang damit niya at tinignan nang masama ang lahat ng nasa paligid niya. Nag-umpisa siyang maglakad pabalik sa elevator.

"M-ma'am...please! Ayoko pong mawala ang trabaho ko!" naghihikahos kong sigaw sa pagitan nang paghila sa akin ni Goldia.

"Tumigil ka na! Wala na! Nahuli ka na!" inis na bira sa akin ni Goldia dahilan para muli akong mapahagulhol. Napapakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang pagsigaw.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें