Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isusunod ko na tanong. "Paano niya namanipulate ang Daddy ni Sir Montello?"  Tanong ni Bianca. 

"Kaibigan ng Daddy ni Inday ang Boss ni Mr. Montello." Mabilis na sagot ni Ann na para ba siyang iniinterview habang nakangiti. 

"So pinakiusapan ng Ama ni Inday ang Boss ni Mr. Montello?" Tanong ni Leslie. Hindi na ako nakikisali sa kanila at nakikinig nalang sa mga tanong at sagot nila dahil ganon din naman ang itatanong ko dapat sa kanila. 

"Nope. Inday is from a lower class. She became a mistress of the owner of Z&Y Company which is dun nagtatrabaho si Mr. Montello as a head of Accounting Department." 

"Tangina hindi nga? She's a mistress?" Mura ko ng marealize kung ano ang sinabi ni Ann sa amin.  

"Ah-huh! Kaya naging shareholders ang Daddy niya dahil binibigyan si Inday ng pera nung may ari ng Company." Napa O ang mga bibig naming sa inihayag ni Ann. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. My gosh! Kung makaarte ako mo galing sa mataas na pamilya yun pala mapangbalat-kayo lang at naninira pa ng may Pamilya. Yung Daddy naman niya kinukunsinte ang ginagawa ng anak hindi ba silay nahihiya non? Yung perang ginagamit nila ay galing sa MADUMI.  

"What we will do now?" Tanong ni Charlyn na isa pa din sa mga tahimik.  

"Gonna buy the shares of her dad." I answered quickly. Kabit pala ha, sino sa amin ngayon ang panalo? Nalaman ko na ang baho niya madadamay pa ang Tatay niya.  

"Paano mo gagawin yon? Si Al ang CEO nang Corporation na yon." Tanong ni Alyssa.  

"With the help of Bianca and her dad." Ngumiti ako. "Kailangan bumalik siya sa pagiging mahirap." Nagngisian ang mga ito. Hindi pwedeng ako ang bumili ng shares dahil malalaman agad ni Al ang motibo ko lalo na ngayon ay siya pala ang may-ari nun. Kailangan kong mag-ingat sa gagawin ko kundi mabubuko ako.  

"At kailangan ding malaman ng asawa ng may-ari ang Y&Z ang tungkol sa relasyon ng asawa niya at ni Inday dahil hanggang ngayon pala may relasyon pa rin ang dalawa." Saad ni Charlyn. Uminon ako muli ng Calamansi Juice hanggang sa maubos iyon. Tumango-tango ako sa kanya.  Pag nalaman kong may kabit ang Mommy ko or kaya naman ang Pops ko siguro iba pa ang magagawa ko. Kaya nasisira ang isang masayang pamilya dahil sa mga punyetang kabit na yan.  Akala mo nauubusan ng mga lalaki kaya kung makakapit sa mga may-asawa na ay parang mga linta. 

"Nagkamali siya ng kinalaban ngayon tuloy lalabas ang baho niya. Sure. Ipaalam mo kawawa naman yung Legal wife."  Hindi siya ang gagantihan ko kundi ang Daddy niya. Ganito kami makipaglaro ng mga Baka. Hindi kaaway ang ginagantihan kundi ang kapamilya hanggang sa lumuhod ang kaaway namin at mag-uumiyak dahil sa paghingi ng tawad. "Make sure lang na hindi malalaman na tayo ang may gawa ng mga 'yon tanging si Inday lang ang dapat makaalam non lahat." 

"Pagdating don, ako na ang bahala." Singit ni Leslie. "Para saan pa ang pagtatrabaho ko sa isang Telecomunnication Company kung hindi ko kayo matutulungan." Sabay kindat nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko pa man siya nasasabihan ay alam na niya ang gagawin ko. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now